Nakakaadik na pagkakaibigan: Paolo Duterte at Charlie Tan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Nakakaadik na pagkakaibigan: Paolo Duterte at Charlie Tan

Scandalous Government

Nakakaadik na pagkakaibigan: Paolo Duterte at Charlie Tan

Matapos maisangkot sa kontrobersiya sa Bureau of Customs (BOC) ang anak ni President Rodrigo Duterte at Davao City Vice Mayor Paolo “Polong” Duterte, lumutang rin ang pangalang “Charlie Tan”.

Unang lumutang si “Charlie Tan” sa naging testimonya ni retired SPO3 Arturo Lascañas sa pagdinig ukol sa Davao Death Squad (DDS) noong Marso.

Ayon kay Lascañas, humingi ng tulong sa kanya ang batang Duterte ukol sa parating na shipment galing China.

Isang Charlie Tan ang umano’y kinita ni Duterte sa China bago i-deliver ang shipment sa Pilipinas. Ayon kay Tan, naglagay siya ng mga “souvenirs” sa loob ng container van at nagsuspetsa si Duterte na droga ang laman nito.

Pinakiusapan umano ni Duterte si Lascañas na manmanan ang pag-deliver ng shipment sa Barangay Catalunan sa Davao City, at doon ay arestuhin si Tan pagkatapos buksan ang container van.

Subalit, naduwag umano si Duterte at sinabi kay Lascañas na siya na ang bahala kay Tan.

Bago pa ang naging pagdinig ng Senado ukol sa kabalastugan sa Customs, lumutang na sa isang column ng dyaryong Journal si Charlie Tan.

“Ayon pa kasi sa mga miron, itong si Charlie Tan (na marahil ay isa ring ‘charlatan’), ang sinasabing ‘connect’ umano nitong ‘Davao Group’ sa mga opisyales ng Bureau of Customs at marahil pa rin, ay siyang “gumagasgas” sa pangalan ni VM Duterte upang maging “bulag, pipi at bingi” ang pamunuan ni Comm. Nick Faeldon sa mga ginagawang kabulastugan ng nasabing grupo katulad umano ng ‘technical smuggling’ (translation: pandaraya sa binabayarang buwis),” ayon sa isang bahagi ng naturang column sa Journal.

Lumitaw rin sa balita tungkol sa christening kay “Stonefish”, ang anak ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pangalang “Charlie Tan”.

Inilabas naman ng “Silent No More PH” Facebook page ang isang litrato kung saan magkasama sa eroplano sina Duterte at Tan.

Photo from “Silent No More PH” FB page

Sinuportahan rin ni Tan ang matandang Duterte sa kampanya nito sa pagkapangulo.

Photo from “Silent No More PH” FB page

Kasama rin nila Baste, Pulong, at Tan si Kenneth Dong na itinuturong middleman sa nangyayaring smuggling sa Customs.

Photo from “Silent No More PH” FB page

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top