Budget ng NHA binawasan ng halos P10-B; Negros Island Region, walang pondo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Budget ng NHA binawasan ng halos P10-B; Negros Island Region, walang pondo

Scandalous Government

Budget ng NHA binawasan ng halos P10-B; Negros Island Region, walang pondo

Sa kabila ng mahigit 5 milyong backlogs sa housing program, 6,000 units lamang ang maitatayo ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte para sa taong 2018.

Tinapyasan ang pondo ng National Housing Authority ng halos 83%, o mula sa P12.69 bilyon noong 2017, ang pondo nito para sa taong 2018 ay nagkakahalaga na lamang ng P2.35 bilyon.

Ipinagmamayabang ng administrasyon ang P3.767 trilyong 2018 national budget na popondo sa mga malalaking infrastructure projects, sa ilalim ng programang “Build! Build! Build!”.

Halos P1.097 trilyon ang nakalaan para sa mga infrastructure projects, at hindi kasama dito ang relokasyon para sa mga pamilyang maaapektuhan ng mga demolisyon at right of way acquisitions.

Walang pondo

Hindi naglaan ang administrasyong Duterte ng pondo para sa Negros Island Region (NIR), ang rehiyon na dati pang sinabi ni Duterte na nais niyang buwagin.

Nangako naman ang 10 congressmen mula sa Negros na itutulak nila ang paglalagak ng pondo para sa NIR.

Kulang

Kulang naman ang pondo ng sugar industry ng halos P1 bilyon para sa taong 2018, ayon kay Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez.

Sa ilalim ng Sugar Industry Development Act, P2 bilyon ang dapat i-allocate taun-taon para sa industriya. Kasama na dito ang P100 milyon para sa scholarships, P300 milyon sa block farms, P300 milyon para sa socialized credit, P300 milyon para sa research and development, at P1 bilyon sa imprastraktura.

P1 bilyon lamang ang inilaan ng administrasyong Duterte para sa industriya sa national budget.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top