Netizen iginiit na inosente ang napatay na bayaw; nagsising ibinoto si Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Netizen iginiit na inosente ang napatay na bayaw; nagsising ibinoto si Duterte

Scandalous Government

Netizen iginiit na inosente ang napatay na bayaw; nagsising ibinoto si Duterte

Sumisigaw ngayon ng katarungan ang isang netizen para sa kanyang bayaw na pinatay di umano dahil sa kaugnayan sa illegal na droga.

Ayon kay Roque Lee Hernandez, napakabait ng kanyang bayaw na si Peter Cerda.

Iginiit ni Hernandez na walang koneksyon sa droga si Cerda at napagkamalan lamang ito.

Nagsisi naman si Hernandez sapagkat ibinoto niya si President Rodrigo Duterte dahil sa pangakong pagtapos sa problema ng droga.

Ayon kay Hernandez, tinuturuan lang umano ng administrasyong Duterte ang mga tao na maging mapanghusga sa kapwa.

Basahin ang buong post ni Hernandez:

I swear to God napakabait ng taong ito. Bilib ako sa taong to napakahaba ng pasensya sa kapatid ko at anak nya. Walang link sa kahit anong Droga ang bayaw ko. Bakit ganon kung sino pa ang mga inosente sya pa ang ginaganito. Wala ng tamang sistema ang mabuhay sa pilipinas. Mapagkamalan ka lang tyak na papatayin ka. Nakakatakot na ang mabuhay sa Pilipinas. Naaawa ako sa kahihinatnan ng buhay ng pamangkin ko. Sa mga nanunungkulan. Ayusin naman po natin ang ating sistema. Maawa tayo sa mga tao. Ano hanggang mga simpleng tao na lamang ba ang kaya nating gantohin?

Mabubuhay na lamang ba tayo sa takot na baka mapagkamalan din tayo at pagbabarilin na lang? Ganun na lang ba?

Nagsisisi ako na ibinoto ko ang nanunungkulan ngayon. Dati parang okay lang na may napapatay na adik “DAW” ang admin ni Duterte. Lately narealize ko nagiging judgemental ang administrayon na ito. Dahil pati mga wala namang imik at muwang sa buhay ay napapatay. Ngayong na nga nasampolan ang bayaw ko ng Mistaken Identity napatay sya ay kumbinsido na ako na walang magandang naidudulot ang Berdugong pakikipaglaban sa droga. Tinuturuan lamang nito ang mga tao na mang husga at magalit sa mga taong akala nila ay gumagamit ng droga at kahit simpleng manginginom lamang ay sisintensyahan kna na gumagamit ka ng droga. Que Dios te Bendiga Pilipinas.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top