Pangalan ni Paolo Duterte, lumutang sa text message kaugnay sa corruption sa Customs | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Pangalan ni Paolo Duterte, lumutang sa text message kaugnay sa corruption sa Customs

Scandalous Government

Pangalan ni Paolo Duterte, lumutang sa text message kaugnay sa corruption sa Customs

Lumutang ang pangalan ni Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong Duterte, ang anak ni President Rodrigo Duterte, sa text message na natanggap ni Customs “fixer” Mark Taguba.

Ayon kay Taguba, ipinakilala siya ng kanyang tatay na si Roel, kay Jojo Bacud, na nagtatrabaho umano sa Special Studies and Project Development Committee (SSPDC) ng Bureau of Customs (BOC).

Ini-refer naman ni Bacud si Taguba kay “Tita Nanie” na miyembro umano ng Davao Group.

“Pinakilala ni Tito Jojo ako sa kanila tapos sinabi na malakas daw sa Davao. Tapos magbibigay daw ako ng enrollment fee which is P5 million, sabi ni Tita Nanie,” ayon kay Taguba.

Binasa ni Taguba ang text message na galing kay “Tita Nanie”, at ilang beses nabanggit ang pangalan ng batang Duterte.

“Good am, Mark. Will make final arrangement with Jack. He is the handler of Paolo. Now we have to advance the enroll. He can fly down to Davao to arrange a meeting with Pulong ASAP. During the meeting, you personally turn over the P5 million same manner you likewise turn over the LMLN to Jack when we meet,” ayon kay Taguba.

Nagtungo naman si Taguba sa Davao City upang iabot ang P5 milyong enrollment fee kay Councilor Nilo “Small” Abellera Jr., na malapit kay Duterte.

Matapos magkaabutan, ni-require si Taguba na magbayad ng P10,000 kada container o P1 milyon kada linggo kay “Jack”.

“Na-alert na rin ako kasi ang hinala ko, hindi nare-remit. Hindi nakakarating ang pera. Na-alert ako pagkaraan ng three months… Kinausap ko si Tita Nanie kasi yun ang una kong nakilala. Sabi ko na-alert ako pero hindi ako tinutulungan ni Jack,” ani Taguba.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top