PINATAY NA, NIYURAKAN PA | PNP: Ngayong patay na si Kian, nagmukhang mabait na siya | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PINATAY NA, NIYURAKAN PA | PNP: Ngayong patay na si Kian, nagmukhang mabait na siya

Scandalous Government

PINATAY NA, NIYURAKAN PA | PNP: Ngayong patay na si Kian, nagmukhang mabait na siya

Patuloy pa rin tinitira ng Philippine National Police (PNP) ang pagkatao ng pinaslang nilang si Kian Loyd de los Santos at iniuugnay nila ito sa droga.

Ito ay matapos sabihin ni PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa na sangkot sa illegal na droga si Kian, pati na rin ang kanyang ama at mga tito.

Ayon kay Northern Police Chief Supt. Roberto Fajardo, mayroon umano silang hawak na ebidensya at saksi na magpapatunay na runner ng droga si Kian.

“Ngayong patay na siya, mabait na siya… Na-politicize na,” ayon kay Fajardo.

Ayon pa sa nakuha umanong impormasyon ni Fajardo mula sa mga kapitbahay, si Kian ay umano’y adik at pusher.

“Siya ay adik, pusher. Unfortunately napulitika na. Ngayon lumalabas, mabait na siya… Sana tanggalin natin ang emotions,“ ani Fajardo.

Hamon ng ama ni Kian

Hinamon naman ni Zaldy, ang ama ni Kian, si dela Rosa na personal siyang pumunta sa kanilang lugar at mag-imbestiga.

“Mali po yung mga paratang na iyon, ang mas maganda siya mismo pumunta saming lugar para malaman niya. Hindi iyong kung saan siya nagsasalita. Pumunta siya dito sa bahay namin, sa mga paligid namin at tanungin niya,” ayon kay Zaldy.

Handa rin sumailalim si Zaldy sa drug test upang patunayan na hindi siya user ng droga.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top