PDEA: Nawawalang shabu sa mula sa magnetic lifters, nagkakahalaga ng P11 bilyon | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PDEA: Nawawalang shabu sa mula sa magnetic lifters, nagkakahalaga ng P11 bilyon

Scandalous Government

PDEA: Nawawalang shabu sa mula sa magnetic lifters, nagkakahalaga ng P11 bilyon

High na high ang nakasinghot nyan

Binago ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang estimates nito sa nawawalang shabu mula sa 4 na magnetic lifters sa Cavite.

Ayon kay PDEA chief Director General Aaron Aquino, nagkakahalaga ang ipinuslit na droga ng P11 bilyon, halos doble ng naunang P6.8 bilyon na estimate ng halaga nito.

“Ang lumalabas sa aming pagtitimbang…lumabas doon [na diperensya] is 1,618 kilos. Kung i-multiply mo ‘yun ng P6.8 million bawat kilo, it would turn out to be P11 billion worth of illegal drugs,” ani Aquino.

Ipinasok ng mga PDEA agent ang mga bagay na kanilang nakita sa loob ng lifters, at inilagay ang lifters sa isang shipment container na ipinasok naman sa isang truck.

‘May shabu’

Binawi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang naunang pahayag nito na walang laman na shabu ang mga naipuslit na magnetic lifters.

Naniniwala ngayon si Lapeña na may laman ngang mga illegal na droga ang mga ito.

“It will fail if it is used as magnetic lifter, ‘yun ang sinasabi ng DPWH so ang lumalabas, mas malaki ang bakanteng portion noon at designed para magkaroon ng laman,” ani Lapeña.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top