PINASABUGAN PA NG GRANADA: Magulang ng isang netizen, biktima rin ng drug war ni Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PINASABUGAN PA NG GRANADA: Magulang ng isang netizen, biktima rin ng drug war ni Duterte

Scandalous Government

PINASABUGAN PA NG GRANADA: Magulang ng isang netizen, biktima rin ng drug war ni Duterte

Sunud-sunod na nagsusulputan sa social media ang mga biktima ng karumaldumal na kampanya kontra illegal na droga ni President Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos mapaulat ang pagpatay ng mga pulis sa inosenteng si Kian Loyd de los Santos.

Dumagdag sa listahan ng mga biktima ng drug war ni Duterte ang magulang ni Jayar Hingabay ng Caloocan City.

Ayon sa Facebook post ni Hingabay, pinasok ng mga pulis ang kanilang bahay at dinampot ng mga ito ang kanyang mga magulang.

Dinala sa kabilang bahay ang magulang ni Hingabay saka doon pinagbabaril at pinasabugan pa umano ng granada.

“unang una sa lahat rest and piece sa magulang ko salamat sa lahat ng mga ginawa nyong tulong hangang sa mag si lakihan kame. sorry sa gabing kinuha kayo habang natutulog na wala akong magawa hangang sa ikulong kame sa kwarto at ipasok kayo sa kabilang bahay na kung san ay yung nga target nyo na bahay na kahit hndi nyo bahay kayo ang ginawang target. nakakaiyak ng sobra lalo nat marinig mong sumigaw ang mga magulang mo sa putok ng baril. at hndi pa don pinasabugan nyo pa ng granada. sobrang bait ng mga yan walang ginago sa lugar namen bakit kailangan pumatay kayo kahit hndi naman sila target nyo. grabeng set up ginawa nyo tapos pinalalabas nyo pa sa media na nakipag transaction ng 2 am?? tanga ba kayo pinasok nyo sinira nyo yung gate nmen. tyaka yung granada putang ina nyo nag takbuhan pa layo bago nyo ihagis tapos hndi nyo kamd pinalalabas ng kwarto pati mga kapit bahay dinyo pinakakausap sa media para wala ng kumotra sa ginawa nyong kasalanan hustisya naman po??
#sharenyopo
#walakamengkalabanlaban
#hustisyasamgainnocente
#walangkalabanlaban

Dagdag pa ni Hingabay, iniulat ng mga pulis na nakipagtransaksyon umano ang kanyang magulang ng madaling araw.

Humihingi ngayon ng hustisya ang pamilya’t mga kaibigan ni Hingabay sa nangyari.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top