PNP chief Bato: Sinusunod lamang ng mga pulis na pumatay kay Kian ang utos ni Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PNP chief Bato: Sinusunod lamang ng mga pulis na pumatay kay Kian ang utos ni Duterte

Duterte's Dilemma

PNP chief Bato: Sinusunod lamang ng mga pulis na pumatay kay Kian ang utos ni Duterte

Command Responsibility in a nutshell.

Sinusunod lamang ng mga pulis na pumatay kay Kian Loyd de los Santos ang mga sinasabi ni President Rodrigo Duterte, ayon kay PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, bagamat wala siyang iniutos na mga anti-illegal drug operations, sinusunod lamang ng kapulisan ang mga utos ni Duterte.

“Personally, I have no orders to launch such operations…Our units are taking the cue from the words of the President that our anti-drug operations are unrelenting. We will just continue this since day 1 of this administration,” ayon kay dela Rosa.

Tinanong naman si dela Rosa kung bakit walang napaulat na namatay sa mga police operations matapos ang pagkamatay ni de los Santos.

Aniya, nawalan daw ng gana ang mga pulis matapos pumutok ang isyu sa pagpatay kay de los Santos.

“Siguro your honor kasama na rin yung na-discourage yung operating units. Sabi nila siguro, ‘madisgrasya tayo, makapatay tayo diyan, tayo mananagot.’ Kasama na iyan sa discouragement your honor kaya siguro yung units medyo hindi ginanahan mag-operate,” ani dela Rosa.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top