PO1 Eduardo Valencia: Hindi na bago ang pangre-rape sa anti-illegal drug operations | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PO1 Eduardo Valencia: Hindi na bago ang pangre-rape sa anti-illegal drug operations

Scandalous Government

PO1 Eduardo Valencia: Hindi na bago ang pangre-rape sa anti-illegal drug operations

Tila parte ng Standard Operating Procedure sa mga anti-illegal drug operation ang panggagahasa at pang-aabuso sa mga kaanak ng mga nahuhuling suspek.

Ito ang naging pag-amin ni PO1 Eduardo Valencia kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar matapos itong arestuhin dahil sa panggagahasa nito sa 15-anyos na babaeng anak ng mag-asawang drug suspect.

“Sir, may pamilya po ako. Sir, hindi na po bago sa’ting mga operatiba ‘yung gano’n kapag may nahuhuli po tayong drug pusher, sir,” paliwanag ni Valencia kay Eleazar.

Itinuro ng biktima si Valencia bilang taong gumahasa sa kanya. Nag-positive ang biktima sa genital lacerations, malinaw na ginahasa siya ng pulis.

Galit naman na sinermonan ni Eleazar si Valencia.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top