POLICE INTIMIDATION? Rally vs drug war sa Katipunan, nabalot ng pangamba dahil sa mga pulis | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

POLICE INTIMIDATION? Rally vs drug war sa Katipunan, nabalot ng pangamba dahil sa mga pulis

Scandalous Government

POLICE INTIMIDATION? Rally vs drug war sa Katipunan, nabalot ng pangamba dahil sa mga pulis

Nabalot ng pangamba ang sana’y maayos na pagtatapos ng mobilization ng mga estudyante ng Ateneo de Manila University matapos dumating ang isang police car na walang plaka.

Sa ulat ng pahayagang “The Guidon” ng Ateneo, sakay-sakay ng police car na walang plaka ang dalawang pulis.

Tinangka umanong hingin ng mga pulis ang pangalan ng mga organizers ng rally sa mga faculty members na bahagi nito.

Matapos ay inabisuhan ang mga nakiisa sa rally na pumasok sa Ateneo premises at mag-disperse na.

Shattered

Ikinuwento ng isang Ateneo student sa kanyang Twitter account ang naging karanasan niya noong mangyari ang insidente.

Sinabi ni Twitter user @itsajadinething na nawalan na umano siya ng tiwala sa Philippine National Police (PNP) matapos ang nangyaring ‘intimidation’ sa mga student protesters.

Pauwi na si Jadine ng napagpasyahan niya na sumaglit sa isinasagawang noise barrage. Magtatapos sana ang rally ng 8:24 PM, ang oras kung kailan pinatay si Kian Loyd de los Santos.

Bago pa man magsialisan ang mga tao sa rally, may dumating na patrol car na walang plate number. Kagaya ng napaulat ng The Guidon, sinubukan ng mga pulis na hingin ang pangalan ng mga organizers ng rally.

Ayon pa kay Jadine, tinanong rin ng mga pulis kung ano daw ba ang pinaglalaban ng mga lumahok sa rally. Binalaan siya ng isang lalaki na umalis na sapagkat may dalang baril ang mga pulis.

May ilan ring mga protesters ang nakipagusap sa mga pulis, dagdag pa ni Jadine.

Iginiit naman ni Jadine na hindi illegal ang ginawang protesta sapagkat nasa school grounds ito.

Nakaramdam siya ng takot mula sa mga pulis na dapat sana’y poprotekta sa kanya.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top