PRESYONG DSLR | PNP humihingi ng P1.8 bilyon para sa 37,540 units ng body camera | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PRESYONG DSLR | PNP humihingi ng P1.8 bilyon para sa 37,540 units ng body camera

'Di Best, 'Di Brightest

PRESYONG DSLR | PNP humihingi ng P1.8 bilyon para sa 37,540 units ng body camera

P1.8 bilyon ang hinihingi ng Philippine National Police (PNP) sa Kongreso upang lagyan ng body camera ang mga pulis na sumasabak sa operasyon.

37,540 units ang target na bilhin ng PNP, o lumalabas na P47,949 kada body camera ang hinihinging pondo ng ahensya.

“Malaking tulong talaga sa amin ‘yan kung kami magkakaroon, hindi lang  for the purpose of transparency, kundi pang–depensa namin sa amin whenever we conduct police operations, para ‘pag kami ay na-charge or na-accuse for whatever crime imputed against us, meron kaming depensa,” ayon kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

Sa proposed 2018 budget, P131.26 bilyon ang kabuuang pondo ng PNP.

Ang panawagang lagyan ng body cam ang mga pulis ay resulta ng pagpatay ng mga pulis sa inosenteng si Kian Loyd de los Santos noong Agosto.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top