Prosecution witness, bumaligtad; inabswelto si De Lima sa drug charges | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Prosecution witness, bumaligtad; inabswelto si De Lima sa drug charges

Scandalous Government

Prosecution witness, bumaligtad; inabswelto si De Lima sa drug charges

Bumaligtad ang isang witness ng prosecution sa pagdinig ng Muntinlupa Regional Trial Court sa drug case laban kay Senator Leila de Lima.

Ayon sa prosecution, ang kanilang witness na si Jose Adrian Dera ay ginamit umano ni De Lima para mang-solicit sa mga drug lord sa New Bilibid Prison para sa kanyang 2016 senatorial campaign.

Nakatanggap umano si Dera ng P3 milyon at nanghihingi pa ito ng apat na sasakyan para kay De Lima.

Itinanggi naman ni Dera na magkakilala sila ni De Lima.

Ayon kay Dera, nangikil siya ng pera sa mga drug lord para palayain ang isang nagngangalang Sally, na hinuli dahil sa kasong drug trading. Itinanggi rin nito na nangikil siya para sa senatorial campaign ni De Lima.

Binanatan naman ng abogado ni De Lima na si Atty. Bonifacio Tacordon ang prosecution dahil sa kabiguan nitong iprisinta ang mga sasakyan hiningi ni De Lima sa pamamagitan ni Dera.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top