Ranking ng Pilipinas sa Corruption Perception Index 2017, bumagsak ng 10 points | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ranking ng Pilipinas sa Corruption Perception Index 2017, bumagsak ng 10 points

Scandalous Government

Ranking ng Pilipinas sa Corruption Perception Index 2017, bumagsak ng 10 points

Pinakamababa sa nakalipas na anim na taon ang ranking ng Pilipinas sa Corruption Perception Index 2017 ng Transparency International.

Ang CPI ay ang ranking ng mga bansa sa buong mundo mula sa least corrupt patungo sa most corrupt.

Nasa 111th place ang Pilipinas sa CPI 2017, kumpara sa 85th place na nakuha nito noong 2014, at 101th place noong 2016.

2017 Corruption Perception Index ng Transparency International

Sa panayam ng Rappler, sinabi ni Alejandro Salas, senior expert for Asia-Pacific ng Transparency International, bad news para sa Pilipinas ang bagong report.

“When we look at 2014 when the Philippines reached 38, then we see that the situation in the perception of corruption in the country has been going downhill in the last 3 years,” ani Salas.

Ayon pa kay Salas, hindi man direktang naapektuhan ng kampanya kontra illegal na droga ang mababang score ng Pilipinas, mayroon pa rin itong impluwensiya sa lumabas na resulta.

“When individuals or private group interests are stronger and above the laws and institutions, corruption finds a fertile ground to flourish. It is in this sense that the war on drugs has openly shown that actions and decisions by one ruler are above institutions, human rights, and common sense, as it happens in the Philippines,” ani Salas.

Dagdag pa ni Salas, sa kabila ng mga pahayag ni President Rodrigo Duterte kontra katiwalian, hindi ito nangangahulugan na epektibo ang kampanyang ito.

“Unfortunately, these are only words, as there can’t be a real and honest anti-corruption campaign if citizens, organizations, and the media are scared and punished if they denounce or demand accountability,” ani Salas.

Ayon naman sa Transparency, ang mga bansang walang gaanong proteksyon sa mga media at non-government organizations (NGOs) ay mayroong malalang katiwalian.

“Even more alarming, further analysis of the index results indicates that countries with the lowest protections for press and non-governmental organisations (NGOs) also tend to have the worst rates of corruption,” ani TI.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top