Rape cases sa Davao City, tumaas ng 7.4% | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Rape cases sa Davao City, tumaas ng 7.4%

Scandalous Government

Rape cases sa Davao City, tumaas ng 7.4%

Tumaas ang mga naitalang kaso ng panggagahasa sa Davao City ngayong taon.

Mula sa 54 cases sa third quarter noong 2016, nagtala ng 58 cases sa kaparehong panahon ngayong 2017.

Ayon kay Davao City Police Senior Superintendent Alexander Tagum, mayroong 12 rape cases kung saan mga batang babae ang biktima. Limang taong gulang ang pinakabata, habang nasa 12 years-old naman ang pinakamatanda.

Dagdag pa ni Tagum, karaniwang mga kamag-anak o kaibigan ng biktima ang suspek sa panggagahasa dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanila ng magulang ng mga biktima.

No. 2 sa rape

Batay sa crime situation report ng PNP, mula 2010 hanggang 2015, pumangalawa ang Davao City sa top 15 chartered cities na may pinakamataas na bilang ng rape incidents sa bansa.

843 na mga kaso ang naitala sa nasabing lungsod mula 2010 hanggang 2015.

Rape jokes

Kilala ang Davao City bilang hometown ni President Rodrigo Duterte, at ngayo’y pinamumunuan ng kanyang anak na si Mayor Sara Duterte.

Subalit kilala rin ang matandang Duterte na gumagawa ng biro kaugnay sa rape.

Matatandaan na noong Mayo, nagbiro si Duterte sa mga sundalo na pwede sila umano manggahasa ng hanggang tatlong babae.

“Trabaho lang kayo. Ako na bahala. Ako na magpakulong sa inyo. Kapag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin ‘yun. ‘Pag nag-asawa ka ng pang-apat, bugbugin ka I will go to jail for you,” ani Duterte.

Ginamit pa ni Duterte ang rape joke upang depensahan ang kanyang kampanya kontra illegal na droga noong Hulyo.

“What I don’t like are kids (being raped.) You can mess with, maybe Miss Universe. Maybe I will even congratulate you for having the balls to rape somebody when you know you are going to die,” ani Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top