Sandiganbayan: Bong Revilla, not guilty sa P224.5-M pork barrel case | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Sandiganbayan: Bong Revilla, not guilty sa P224.5-M pork barrel case

Scandalous Government

Sandiganbayan: Bong Revilla, not guilty sa P224.5-M pork barrel case

Hinatulang not guilty ng Sandiganbayan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr sa salang plunder kaugnay sa P224.5-million pork barrel scam.

Matatandaang sangkot si Revilla sa pork barrel scam, kasama sina dating Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na parehong malaya habang dinidinig pa rin ang kaso.

Inaresto at ikinulong si Revilla noong June 2014.

Bagamat in-acquit ng korte si Revilla, guilty naman ang hatol ng anti-graft court kay pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles at dating chief of staff ni Revilla na si Richard Cambe.

Inakusahan si Revilla na nagbulsa ng P224.5-M mula sa pag-endorso nito sa foundations na may kaugnayan kay Napoles.

Si Revilla ay tatakbong senador sa Halalan 2019.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top