₱35-M halaga ng shabu nasabat mula sa mga kapartido ni Duterte sa PDP-Laban | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

₱35-M halaga ng shabu nasabat mula sa mga kapartido ni Duterte sa PDP-Laban

Scandalous Government

₱35-M halaga ng shabu nasabat mula sa mga kapartido ni Duterte sa PDP-Laban

Halos P35 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Drug Enforcement Group ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) mula sa pamilya Salic.

Nasabat ang dalawang kilong shabu na may halagang P10 milyon sa bahay ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali sa Barangay Bangon, Marawi City. Si Ali ay tumatayong chairman ng PDP-Laban, ang partido ni President Rodrigo Duterte, sa ARMM.

Sinalakay din ng otoridad ang bahay ni Marawi City Vice Mayor Arafat Salic, ang anak ni Ali, kung saan nakumpiska ang dalawang kilong shabu na may halagang P10 milyon. Si Salic ay miyembro din ng PDP-Laban.

Tatlong kilo naman ng shabu ang nasabat ng otoridad mula sa dalawang bahay ng dating Marawi Mayor Fajad Salic, ang kapatid ni Arafat.

Sina Fajad Salic at Omar Ali ay kinasuhan ng rebellion kaugnay sa nangyayaring krisis sa Marawi.

Bago pa man mangyari ang kaguluhan sa Marawi, ang tatlo ay dawit sa listahan ng mga narcopoliticians ni Duterte.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top