Solusyon ng gobyerno sa traffic? LTFRB sinuspinde ang Uber ng isang buwan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Solusyon ng gobyerno sa traffic? LTFRB sinuspinde ang Uber ng isang buwan

'Di Best, 'Di Brightest

Solusyon ng gobyerno sa traffic? LTFRB sinuspinde ang Uber ng isang buwan

Sa kabila ng patuloy na mabigat na trapiko at bulok na public transportation sa bansa, nagawa pang isuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport network vehicle service na Uber.

Ang suspensyon ay nag-ugat sa hindi pagsunod umano ng Uber sa utos ng LTFRB na itigil ang pag-accredit sa mga bagong drivers nito.

Inirekomenda naman ng LTFRB sa Uber management na magbigay ng financial assistance sa mga drivers na maaapektuhan ng nasabing suspension order, habang walang inirekomendang assistance para naman sa mga tumatangkilik ng Uber.

Sa naturang suspension order, panalo dito ang mga abusadong regular taxi drivers at si Bong Suntay. Sa kabilang banda naman, talo ang mga pasaherong Pilipino na naghahangad lamang ng mabilis at maayos na transportasyon.

Ito na ba ang pinakamagandang nagawa ng LTFRB upang lutasin ang traffic?

O mas magandang pakinggan: “LTFRB suspendido”. Baka doon, mawala na siguro ang traffic.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top