The STAR insider: Obsession ang nagtulak kay Duterte para magdeklara ng martial law | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

The STAR insider: Obsession ang nagtulak kay Duterte para magdeklara ng martial law

Scandalous Government

The STAR insider: Obsession ang nagtulak kay Duterte para magdeklara ng martial law

Isang ulat ang inilathala ng major broadsheet na Philippine Star na nagsasaad kung paano pinagdesisyunan ni President Rodrigo Duterte ang pagpapataw ng martial law sa Mindanao.

Ang source ng The STAR ay kasama sa entourage ni Duterte sa kanyang official trip sa Russia. Isiniwalat nito na ipinatawag ng Pangulo si AFP chief-of-staff Gen. Eduardo Año noong Martes para sa updates sa nangyayaring bakbakan sa Marawi City.

Sinabi ni Año kay Duterte na kontrolado ng pinagsamang pwersa ng militar at pulisya ang sitwasyon sa Marawi.

Noong Martes ay naglunsad ng isang law enforcement operation ang AFP at PNP upang dakpin ang lider ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon sa lungsod ng Marawi. Subalit, lumala ang sitwasyon ng sumingit sa eksena ang iba pang mga terorista katulad ng Maute group.

Kahit sinabi na ng military chief na ang sitwasyon sa Marawi ay kontrolado ng pwersa ng pamahalaan, itinuloy pa rin umano ni Duterte ang pagdedeklara ng batas militar.

Inilawaran ng source na ‘obsessed’ lamang si Duterte sa batas militar at sa estilo ng diktador na si Ferdinand Marcos.

“Obviously, he decided on his own to impose martial law in Mindanao. He is obsessed with it and with replicating what the late dictator [Ferdinand Marcos] did,” ani ng source.

Humingi naman ng reaksyon ang The STAR sa special assistant to the President na si Bong Go, at sinabi nitong wala siyang ideya sa kung paano pinagdesisyunan ni Duterte ang martial law.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top