Sundalo inakusahang "Maute" ang isang journalist dahil lamang sa middle initial nito | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Sundalo inakusahang “Maute” ang isang journalist dahil lamang sa middle initial nito

Scandalous Government

Sundalo inakusahang “Maute” ang isang journalist dahil lamang sa middle initial nito

Viral ngayon sa social media ang kwento ni Divina Suson, correspondent ng Super Balita Cagayan de Oro, kung saan pinagkamalan na “Maute” ang kanyang middle name dahil letrang “M” ang nakalagay na middle initial sa ID nito.

Matapos iabot ni Suson ang kanyang ID sa isang sundalo sa checkpoint papasok ng Iligan City, tinanong siya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang middle initial.

Sinabi ni Suson na “Morgia” ang kanyang middle name, at kaagad na nagtanong ang sundalo kung hindi ito “Maute”.

Matapos sabihin ni Suson na hindi “Maute” ang kanyang middle name, hinanapan pa siya ng ibang ID.

Tinanong ni Suson kung anong mangyayari kung “Maute” ang kanyang middle name, at sinabi ng sundalo na kaagad daw siya ikukulong.

Ayon sa sundalo, kasalanan ni Suson kung “Maute” nga ang kanyang middle name.

Kaagad naman sinabi ni Suson na hindi ganoon ang pagkakasabi ng Task Force Marawi sa mga taong may “Maute” sa kanilang pangalan, pagkat hindi lahat ng may “Maute” ay terorista.

Sumagot naman ang sundalo na kailangan pumunta sa NBI ang mga taong may “Maute” sa pangalan.

At kaagad rin naman sumagot si Suson at sinabing mali ang ginagawa ng sundalo.

Basahin ang buong post ni Suson:
SA CHECKPOINT upon entering Iligan City…
ME: (showed this to the Army who checked the commuters’ ID)
ARMY: Ano po ang M mo, Maam?
ME: Morgia, Sir.
ARMY: Hindi po Maute, Maam?
ME: (natigilan and a little bit annoyed… so what kung Maute yan?) Hindi, Sir.
ARMY: May isa ka pang ID Maam na may middle name mo?
ME: Hanap ako Sir ha kasi M lang usually nakalagay…
(while looking for my ID na may Morgia)
ME: Ano mangyayari sakin Sir kung Maute ang middle name ko?
ARMY: Ikukulong Maam?
ME: Huh? Bakit?
ARMY: Kasi kasalanan mo at naging Maute ka.
(lami na kaayo ilaparo’g naka-uniporme’ng bugok!)
ME: Huh? Saang basura mo naman nakuha ang logic na yan? Alam mo bang di ganyan ang sinabi ng Task Force Marawi sa mga press briefing namin?
ARMY: Bakit, ano sinabi?
ME: Na hindi lahat ng mga Maute ay terorista! Hindi ka na-orient nyan?
ARMY: Eh kailangan nilang pumunta sa NBI.
ME: Yun na nga! Bakit mo ikukulong agad? Alam mo bang mali ang ginagawa mo? At dahil lang sa letter M na middle initial ko…masisira talaga pagkakaibigan natin dito (di man talaga kami magkaibigan, unang pagkikita nga namin)
ARMY: Hindi kasi ako taga-dito Maam, galing kaming Luzon.
ME: (mi-ulbo na akong sungay, nakamata ang tigre) Shut the f*ck up! Magpa-orient ka muna sa CMO ng AFP ha. Pwede kita tulungan…
*sabay talikod… Pero wala na ang bus, gibiyaan nako.
*nyeta!

 

Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top