Sundalo na nakipaglaban sa Marawi, pinatay ng mga pulis | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Sundalo na nakipaglaban sa Marawi, pinatay ng mga pulis

Scandalous Government

Sundalo na nakipaglaban sa Marawi, pinatay ng mga pulis

Ganito na ba saluduhan ng PNP ang mga bayaning sundalo?

Nakaligtas man ng buhay sa bakbakan sa Marawi, ngunit hindi nakaligtas si Private First Class Rodilo Bartolome mula sa mismong mga alagad ng batas matapos siya pagbabarilin ng mga ito.

Pauwi na sana si Bartolome sa kanyang bayan na Midsalip upang makapagpahinga mula sa bakbakan sa Marawi, ng pinagbabaril hanggang namatay siya sa bayan ng Aurora sa Zamboanga del Sur.

Ini-report sa pulisya si Bartolome bilang “unidentified man with a gun” na nakatayo malapit sa isang tindahan. At pinuntahan naman siya nila PO2 Ronald Zeros at PO1 Michael Bullanday upang respondehan ang ulat.

Ayon sa report, pinaputukan daw ni Bartolome ang mga pulis, kung kaya gumanti sila ng putok hanggang napatay nila ito.

Subalit iba naman ang nakita ng saksi sa pangyayari. Sinabi ni Lydia Saycon na nakita niya si Bartolome na nag-aantay ng masasakyan sa isang abandonadong police checkpoint ng dumating ang mga pulis na naka-civilian uniform.

“He was getting his wallet to show his ID to the Aurora policemen who were not in uniform. Suddenly they started shooting the man. We all got scared. That man was unarmed,” ayon kay Saycon.

33-taong gulang lang si Bartolome, may asawa at dalawang anak.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top