Susmaryosep LTFRB: UBER na katangahan, pina-GRABe pa ang problema! | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Susmaryosep LTFRB: UBER na katangahan, pina-GRABe pa ang problema!

Scandalous Government

Susmaryosep LTFRB: UBER na katangahan, pina-GRABe pa ang problema!

Trending ngayon sa social media ang kontrobersyal na kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan ipinagbabawal na pumasada ang mga drivers ng Uber at Grab na wala pang permit mula sa ahensiya.

Ito ay ayon sa isang post ni James Deakin, kilalang car enthusiast at TV personality.

Maliban sa pagpapataw ng tig-5 milyong pisong multa sa dalawang ride-sharing app companies, iniutos rin nila sa mga ito ang pagtigil sa mga drivers nito na wala pang permit na nakukuha mula sa ahensiya.

Matatandaan na halos dalawang taon rin natengga ang mga applications ng gustong sumali sa Grab at Uber dahil na rin sa kanilang kautusan noon. At kakaunti lamang ang nabigyan ng permit.

Kung kaya lumalabas na 10% lamang ng kanilang service capacity ang maaaring mag-operate kapag ito ay natuloy sa July 26. Kung kaunti lamang ang mga Uber at Grab drivers at mas madami ang demand, paniguradong tataas na naman ang surge ng pamasahe.

Ayon rin sa isang poll na isinagawa ni Deakin, lumalabas na halos lahat ay mas gustong tangkilikin ang Uber at Grab, kumpara sa mga karaniwang taxi.

Patok sa mga tao ang gumamit ng mga ride-sharing apps sa panahon ngayon dahil sa palpak na mass transport system sa Metro Manila at kakulungan sa mga imprastraktura. Nakadagdag na rin sa pag-engganyo sa kanila ng mga tao ang masamang serbisyo ng mga regular taxi.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top