Tahimik sina Duterte, Cayetano: Chinese patrol vessels namataan malapit sa Pag-asa island | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Tahimik sina Duterte, Cayetano: Chinese patrol vessels namataan malapit sa Pag-asa island

Scandalous Government

Tahimik sina Duterte, Cayetano: Chinese patrol vessels namataan malapit sa Pag-asa island

Matapos ipagtanggol ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang bansang China sa nakaraang ASEAN 2017 meetings, namataan naman ang ilang barko ng China malapit sa Pag-asa island na sakop ng teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea.

Sa litratong ibinahagi ng Philippines Defense Forces Forum Facebook page, makikita kung gaano kalapit sa isla na sakop ng Pilipinas ang mga Chinese patrol vessels.

Ito ang tinutukoy ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa isang hearing sa Kamara kasama ang Department of National Defense (DND).

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, isang seryosong isyu ang pag-okupa ng China sa mga isla.

“It would be a very serious thing if the Chinese will occupy any of the islands, kahit ‘yung mga islands na malalayo… That would be a very serious issue,” ayon kay Lorenzana.

Dagdag pa ni Lorenzana, nakipag-usap umano si Cayetano sa China tungkol sa pag-okupa nito sa mga isla sa South China Sea.

“There is status quo now that is happening in the South China Sea brokered by the Secretary of Foreign Affairs. According to him, the Chinese will [neither] occupy new features in the South China Sea nor are they going to build structures in Scarborough Shoal,” ani Lorenzana.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top