THIS WEEK: Sa Singapore, mga suspected drug offenders hinuli; sa Pilipinas, pinatay agad | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

THIS WEEK: Sa Singapore, mga suspected drug offenders hinuli; sa Pilipinas, pinatay agad

Scandalous Government

THIS WEEK: Sa Singapore, mga suspected drug offenders hinuli; sa Pilipinas, pinatay agad

Nagiging Singapore na daw tayo sabi ni Alan Peter Cayetano. Pinapatay rin kaya agad sa Singapore ang mga suspected drug offenders?

Sa nagdaang linggo, 96 suspected drug offenders ang hinuli ng Central Narcotics Bureau (CNB) ng Singapore. Hinuli at buhay pa rin.

Habang nakapiit ang mga inaresto, iniimbestigahan muna sila ng Singaporean authorities.

Sa kaparehong linggo, iba naman ang nangyari sa Pilipinas. 91 suspected drug offenders ang napatay ng pulisya matapos umano “manlaban”.

Isa sa 91 katao na napatay ay si Kian Lloyd de los Santos, 17 taong gulang. Ayon sa kwento ng mga pulis, nanlaban umano sa kanila si de los Santos. Subalit, iba ang nakunan ng CCTV at nakita ng mga saksi.

Ito na ang pinakamadugong linggo simula ng ilunsad ni President Rodrigo Duterte ang kampanya kontra illegal na droga.

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top