Topacio, sinisi sa DOT staff ang ₱60-M tourism TV ads; iginiit na walang alam si Teo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Topacio, sinisi sa DOT staff ang ₱60-M tourism TV ads; iginiit na walang alam si Teo

'Di Best, 'Di Brightest

Topacio, sinisi sa DOT staff ang ₱60-M tourism TV ads; iginiit na walang alam si Teo

Iginiit ni Atty. Ferdinand Topacio na walang alam si Tourism Secretary Wanda Teo sa pagbabayad ng mahigit ₱60 milyon para sa ad placement ng ahensya sa palabas ng Tulfo brothers sa PTV-4.

Si Topacio ang nagsisilbing legal counsel kay Teo.

Ayon kay Topacio, kasalanan umano ito ng staff ng Department of Tourism (DOT), at hindi ng kanyang kliyente na si Teo.

“Alam niyo po, si Secretary Teo, kung nalaman niya na ‘yong Kilos Pronto pala ay production ng mga Bitag at hosted by her two brothers, eh hindi niya na po itinuloy ‘yan.  So someone made a boo-boo somewhere na hindi po siya na-inform,” ani Topacio.

“I can honestly tell you, hindi po alam ni Secretary Teo,” giit ni Topacio.

Handa umanong ibalik ng Bitag Media Unlimited, Inc, na pinamamahalaan ng kapatid ni Teo na si Ben Tulfo, ang ibinayad na ₱60-M bilang pagpapakita umano ng good will at good faith.

Matatandaang nabisto ng Commission on Audit (COA) ang maanomalyang transaksyon sa pagitan ng People’s Television Network Inc (PTNI) at Bitag Media kaugnay sa pagpapalabas ng DOT commercials sa palabas na “Kilos Pronto”, kung saan hosts sina Ben at Erwin Tulfo.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top