Tunay na malasakit: Drug lord Peter Lim, bibigyan ng police escort | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Tunay na malasakit: Drug lord Peter Lim, bibigyan ng police escort

Scandalous Government

Tunay na malasakit: Drug lord Peter Lim, bibigyan ng police escort

Matapos ang madugong operasyon laban kina dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. at Ozamiz City Mayor Aldong Parojinog, bibigyan ng security escort ng Philippine National Police ang itinuturong Visayas drug lord na si Peter Lim.

Ayon kay Chief Superintendent Jose Mario Espino ng Police Regional Office – 7, poprotektahan ng kapulisan si Lim habang ito’y iniimbestigahan dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.

“He has a subpoena and he fears of his life. It is a duty of the PNP to secure his life, provided he makes an official request,” ayon kay Espino.

Wala umanong dapat ikatakot si Lim dahil sinusunod lamang ng PNP ang standard operational procedure nito.

“The PNP is following the police operational procedures so far.  The CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) is just serving the subpoena for him to attend the preliminary investigation, there is nothing for Mr. Lim to be afraid of. If he wants we could provide the necessary security,” ani Espino.

Kamakailan lang ay nag-isyu ng subpoena at inilagay sa immigration watchlist si Lim ng Department of Justice dahil sa isyu ng pagiging drug lord umano nito.

Ayon naman sa complaint na isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay Lim, nag-supply umano ito ng mahigit 50 kilo ng shabu kay Kerwin Espinosa, ang anak ng napatay na si Mayor Espinosa.

Si Lim ay kilala rin bilang kumpare ni President Rodrigo Duterte at tinulungan niya ito noong kampanya sa pagkapresidente.

Noong nakaraang taon ay nakipagkita ito kay Duterte upang linisin ang kanyang pangalan. Nagbanta rin si Duterte na ipapapatay siya sakaling mapatunayan na isa siyang drug lord.

“Nagbanta ako sa’yo ipapapatay kita. Sa totoo lang, ipapapatay talaga kita. Kapag napatunayan ko (na drug lord ka), papatayin talaga kita,” ayon kay Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top