Twitter Account ng Quezon City PIO, nag-beastmode para ipagtanggol si Mayor Bautista | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Twitter Account ng Quezon City PIO, nag-beastmode para ipagtanggol si Mayor Bautista

Scandalous Government

Twitter Account ng Quezon City PIO, nag-beastmode para ipagtanggol si Mayor Bautista

Triggered.

Hindi nakapagtimpi ang handler ng Twitter account ng Quezon City Public Affairs Office / PIO matapos kwestiyunin ng isang netizen ang priority ni Mayor Herbert Bautista.

Nagsimula ito sa isang reaksyon ng Twitter user ukol sa isinagawang “agricultural road show” sa Quezon City Hall kasama si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

“Luh may paganyan si Mayor? Ayaw ni Kris nyan,” ayon sa tweet ni @Ohhkey.

Nag-reply naman ang @QCPublicAffairs at sinabi na walang halong pulitika ang aktibidad.

“Nothing political here. What were after is help bridge Ilocos producers & QC consumers,” ayon sa tweet ng @QCPublicAffairs.

Dumagdag sa conversation ang isa pang Twitter user, at pinasaringan ang maraming oras umano ni Mayor Bautista na um-attend sa nasabing aktibidad kumpara sa paglalagay ng ilaw sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

“Buti may time siya diyan ano? Eh ‘yong malagyan man lang ng ilaw ang kalakhan ng Commonwealth Avenue sana may panahon siya,” ayon kay @skullohmania.

At dito na na-triggered si @QCPublicAffairs.

“Kung ginamit mo lang bungo mo sa pag-research, ano. DPWH may sakop ng Commonwealth at hindi LGU,” ani @QCPublicAffairs.

Nadismaya ang mga netizens sa sagot ng @QCPublicAffairs, at igniit na naging “unprofessional” sa pagtugon nito.

Ayon sa Section 4-B at E ng RA 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees”, dapat maging professional at courteous ang mga lingkod bayan.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top