Vista residences ng mga Villar, nasa likod ng mountain flattening sa Boracay | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Vista residences ng mga Villar, nasa likod ng mountain flattening sa Boracay

Scandalous Government

Vista residences ng mga Villar, nasa likod ng mountain flattening sa Boracay

Itinuro ng isang opisyal ng Malay local government sa Aklan ang Vista residences na pagmamay-ari ng mga Villar bilang pasimuno ng mountain leveling activities sa Boracay.

Ayon kay Rowen Aguirre, ang executive assistant on Boracay Affairs ng Malay LGU, kulang umano ang mga kinakailangang dokumento sa pagpapagawa ng ng Costa de la Vista.

Ang Costa de la Vista ay isang 5-storey residential condominium na itatayo sa bundok ng Barangay Yapak, Boracay.

Ayon kay Aguirre, iniutos ng lokal na pamahalaan ihinto ang construction ng property sa kabila ng protesta ng mga taga-Boracay.

Samantala, ayon naman kay Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, matagal na umanong ginawa ang leveling activities bago pa magsimula ang rehabilitasyon ng isla.

“I have ordered, with the concurrrence of the Boracay inter-agency task force, a total stoppage of all constructions of any kind effective immediately,” ani Cimatu.

Sa isang pahayag ng Vista Land & Lifescapes Inc, iginiit nito na sumunod sila sa batas at nakapagpasa ng mga kinakailangang dokumento para makakuha ng permit sa pagpapagawa ng property.

“As early as February this year, we have slowed down our development works, and have accordingly reduced the number of equipment and workers in the area,” ani Vista Land chief legal counsel Ma. Nalen SJ Rosero.

Iginiit naman ni Senator Cynthia Villar, ang chairwoman ng Senate committee on Environment and Natural Resources, na walang conflict of interest sa kanyang trabaho bilang senador at sa family business sa Boracay.

“I am not managing our business… kahit isara nila ang [even if they close] Boracay,” ani Villar.

“I have done so much for the environment and I’m still doing (so). Ako nga ang nakikipaglaban para ma-maintain yung wetlands sa Las Pinas, Parañaque,” dagdag pa ni Villar.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top