Walang pondo para sa free tuition sa 2018, pero sa "Tokhang" merong P900-M | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Walang pondo para sa free tuition sa 2018, pero sa “Tokhang” merong P900-M

Scandalous Government

Walang pondo para sa free tuition sa 2018, pero sa “Tokhang” merong P900-M

Hindi naglaan ang administrasyon ni President Rodrigo Duterte ng pondo para sa libreng tuition sa mga state universities and colleges (SUCs) para sa taong 2018.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, hindi umano kaya ng pamahalaan na sagutin ang libreng pampaaral sa mga estudyante sa kolehiyo, kasunod ng pagpapasa ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act ng Kongreso.

“We estimated that the cost of this bill … it will cost us P100 billion, and hindi po kaya ng gobyerno ‘yan,” ayon kay Diokno.

Dagdag pa ni Diokno, 12% lang umano ang mga mahihirap na pumapasok sa SUCs.

“When we say free tuition, we’re actually subsidizing the rich,” ani Diokno.

Para naman kay National Economic and Development (NEDA) chief Ernesto Pernia, ‘attack on private schools’ ang nasabing free tuition fee program.

“The budget for free tuition is quite large, it’s not (a) pittance, it’s going to be unsustainable over time,” ayon kay Pernia.

Tinatayang P9.1 bilyon ang kinakailangang pondo para sa free tuition sa susunod na taon, ayon kay Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago.

May pondo para pumatay

P900 milyon naman ang inilagak na pondo ng administrasyong Duterte para sa Project Double Barrel, ang flagship anti-illegal drug campaign.

10,000 ang target i-recruit ng pamahalaan sa susunod na taon upang dagdagan ang pwersa ng Philippine National Police (PNP).

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top