WATCH: Batang babaeng tumingin lang sa labas ng bahay, hinuli ng mga pulis | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Batang babaeng tumingin lang sa labas ng bahay, hinuli ng mga pulis

Scandalous Government

WATCH: Batang babaeng tumingin lang sa labas ng bahay, hinuli ng mga pulis

Sapul sa CCTV ang pagdampot ng mga pulis sa batang babae na tumingin lang sa labas ng kanilang bahay sa TS Cruz Subdivision, Almanza II sa Las Piñas City.

Ayon sa ama ng biktima na si Eugene Sanchez, hinuli umano ang kanyang anak dahil nasa kalsada daw ito. Subalit sa kuha ng CCTV, nasa gate lamang ng bahay ang bata at sumilip lang ito sa labas.

“Hinuli ng mga police at barangay kasi raw nasa kalsada. yun ang sabi ng mga police. Tapos noong sinilip namin sa CCTV record, wala nman siya sa kalsada,” ani Sanchez.

Akala ng bata, tito niya ang dumating kung kaya pumunta ito sa gate.

“Kaya lang nman siya sumilip akala niya Tito niya ang dumating, tapos mga police pala, hinuli agad,” ani Sanchez.

Ayon naman sa nagsasalaysay sa video, nagpaliwanag ang bata sa pulis pero hindi ito pinakinggan.

Makikita sa video na pumasok pa sa bahay ng biktima ang mga pulis kung saan meron silang computer shop.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top