WATCH: Ilang oras lang ang pagitan ng utos ni Duterte na ituloy ang patayan at ang pagpatay kay Kian | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Ilang oras lang ang pagitan ng utos ni Duterte na ituloy ang patayan at ang pagpatay kay Kian

Scandalous Government

WATCH: Ilang oras lang ang pagitan ng utos ni Duterte na ituloy ang patayan at ang pagpatay kay Kian

Ilang oras lang ang pagitan ng naging pahayag ni President Rodrigo Duterte na tuloy ang patayan at ng pagkamatay ni Kian Loyd de los Santos sa kamay ng mga pulis.

Noong hapon ng August 16, sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Malacañang na masaya siya sa napaulat na mga namatay sa anti-illegal drug operations sa Bulacan.

Aniya, masaya siya kung madadagdagan pa ang namamatay sa mga operasyon.

“‘Yung namatay daw kanina sa Bulacan, 32, in a massive raid. Maganda ‘yun. Makapatay lang tayo ng mga another 32 everyday then maybe we can reduce the — what ails this country,” ayon kay Duterte.

Ilang oras matapos ang naging pahayag ni Duterte, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa Caloocan City.

Dito ay napatay si de los Santos matapos umano manlaban sa otoridad, at nahulihan ito ng baril at ilang gramo ng shabu.

Subalit, makikita sa CCTV na hindi nanlaban si de los Santos sa otoridad. Ganito rin ang nakita ng mga nakakita sa insidente.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top