WATCH: Lola, sugatan dahil sa marahas ng dispersal na PNP sa NutriAsia workers | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Lola, sugatan dahil sa marahas ng dispersal na PNP sa NutriAsia workers

Scandalous Government

WATCH: Lola, sugatan dahil sa marahas ng dispersal na PNP sa NutriAsia workers

Apat ang sugatan, kabilang ang isang matandang babae, matapos marahas na i-disperse ng mga pulis ang mga manggagawa ng NutriAsia na nagsasagawa lang ng misa at kilos protesta.

Ayon sa Anakbayan – UST, nagdadaos ng isang misa ang NutriAsia workers na parte ng kanilang kilos-protesta para i-regularize na sila sa kumpanya.

Naging marahas ang dispersal ng mga pulis na nagbabantay sa labas ng NutriAsia compound sa mga manggagawa at kanilang tagasuporta.

Kuha sa video at ilang larawan ang matandang babae na lubhang nasugatan dahil sa dispersal.

Courtesy: Anakbayan – UST / Twitter

Courtesy: Anakbayan – UST / Twitter

Naaresto ng mga pulis ang ilan sa mga nagpoprotesta at maging mga mamamahayag ng Altermidya Network na nagko-cover lang ng mga kaganapan roon.

NutriAsia workers’ strike

Pinoprotesta ng mga manggagawa ng NutriAsia ang hindi makataong pamamalakad at trato sa kanila ng kumpanya.

Maraming contractual workers ang matagal nang nagtatrabaho para sa NutriAsia subalit hindi pa sila nare-regularize doon.

Ang NutriAsia ay ang manufacturer ng mga condiment products tulad ng Datu Puti, Mang Tomas, at UFC banana ketchup.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top