WATCH: Supreme Court employee, gumawa ng gulo sa loob ng LRT-1 para lang makaupo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Supreme Court employee, gumawa ng gulo sa loob ng LRT-1 para lang makaupo

'Di Best, 'Di Brightest

WATCH: Supreme Court employee, gumawa ng gulo sa loob ng LRT-1 para lang makaupo

Bata ni Midas.

Isang empleyado ng Supreme Court ang lumikha ng gulo sa loob ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 matapos ipagtabuyan ang mga bata at taong nakaupo para makaupo rin siya.

Ayon sa ngayo’y viral na Facebook post, nakilala ang SC employee bilang si Atty. Nicolas Lapuz na taga-Office of the Court Administrator.

Kasalukuyang Court Administrator si Midas Marquez, kilalang tagasuporta ni President Rodrigo Duterte at ayaw sa napatalsik na Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa dalawang video makikita ang pakikipag-away ni Lapuz sa mga kapwa-mananakay.

 

 

Iginiit ni Lapuz na pwede siyang maupo, sabay ipinagduldulan sa mga tao ang kanyang Senior Citizen card at ipinagmayabang na abogado siya.

Ayon pa kay Lapuz, may alam umano siya sa batas at ang mga taong nasa loob ng tren ay walang alam ukol dito.

Basahin ang buong Facebook post ni Lorenz Francis Tanjoco:

Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga nanay, tunghayan ninyo ang isang ina na walang takot na nagtatanggol sa kanyang mga supling matapos itong kantiin ng mas malaki at mas malakas na kalaban.

Patunay na kahit anong mangyari ang isang ina ay laging andyan para sa atin.

HAPPY MOTHER’S DAY SA LAHAT NG NANAY.

—-
Sobrang Bastos at arogante ang pinaka eksaktong salita para idescribe ko ang nakasakay ko sa PWD section Lrt 1, UN ave. Kaninang hapon.

Pagpasok pa lang ng bagon sinigawan niya agad ang 2 bata na may edad na 3 to 5 na, “tumayo kayo dyan! Umalis kayo dyan at uupo ako! Nagulat ang mga bata at kita sa mukha ang takot at pagkagulat pati ang ina nila may bitbit pang sangol. Piangyabang pa ng bastos na ito na abudago daw siya at CPA at wala daw alam sa batas ang lahat ng nasa loob ng bagon. Mas may karapatan daw siya na umupo kesa sa mga bata kaya pinalayas niya ito nga pasigaw. Hinamon pa niya ng suntukan ang babae o ang ina ng mga bata at sabi sabunutan na lang daw.

Pwede naman niya sana patayuin yung mga bata pero sa maayos na paraan hndi yung sinigawan mo agad na kala mo ikaw may ari ng lrt. Sobrang bastos mo na, inaabuso mo pa yung titulo mo na pagging abugado at pinagyayabang mo pa sa lahat ng pasahero na mayaman ka. Wala kang modo tarantado ka!!! Pano pag natrauma ang mga bata. Sana agad makilala kung sino ito at mabigyan ng aksyon at bastos at aroganteng animal na to!

(c) anonymous… as requested by our listener

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top