Yuan Wang-3 Chinese spy ship, nakadaong sa Davao City | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Yuan Wang-3 Chinese spy ship, nakadaong sa Davao City

Scandalous Government

Yuan Wang-3 Chinese spy ship, nakadaong sa Davao City

Nakadaong ngayon sa Port of Davao sa Davao City ang isang “research vessel” ng Chinese People’s Liberation Army Navy (PLAN).

Ayon sa website ng Marine Traffic, dumating sa Davao Port ang Yuan Wang-3 noong July 16, na nagmula pa sa Jiangyin, China.

 

Ang Yuan Wang-class ships ay karaniwang ginagamit ng China para i-track ang mga satellite nito at maging ang kanilang intercontinental ballistic missiles (ICBM).

Ayon kay Dr. Paul Buchanan, isang intelligence and defense policy analyst, ang ganitong klaseng barko ng China ay nangongolekta ng impormasyon sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.

“They are dual platforms. They are used to track satellites, and they are basically intelligence collection platforms. From what I understand, 60 to 70 per cent of their work is looking for other people’s signals and 30 per cent is the satellite work,” ani Buchanan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top