ABS-CBN Journalist Karen Davila: Paano kung ang source ng fake news ay nasa gobyerno? | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

ABS-CBN Journalist Karen Davila: Paano kung ang source ng fake news ay nasa gobyerno?

Stay Woke

ABS-CBN Journalist Karen Davila: Paano kung ang source ng fake news ay nasa gobyerno?

Nagpahaging ang ABS-CBN journalist na si Karen Davila sa kasagsagan ng Senate hearing kaugnay sa fake news proliferation sa Pilipinas.

Tanong ni Davila, paano kung ang pinagmumulan ng fake news ay nakaupo sa gobyerno?

“Pano kasi kung yung source ng fake news ay nakaupo sa gobyerno? Binabayaran na ng buwis natin ginagamit pa sa propaganda? What can we do?” ani Davila.

Pinapurihan naman ni Davila ang dating Solicitor General at Professor Florin Hilbay kaugnay sa kanyang statement kaugnay sa paglalabas ng dishonesty ng mga government officials.

“Bravo Professor Hilbay. If this govt truly wants to STOP fake news it must allow a mechanism for us to police them,” ani Davila.

‘Blogger lang ako’

Binanatan naman ni Senator Benigno Aquino IV si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon kay Aquino, hindi hiningi ni Uson ang kanilang panig.

“Sa dinami-daming mga blog mo tungkol sa amin dito may isang beses ba na humingi ka ng side namin?” ani Aquino.

“In your case never kang humingi ng side ng nilagay mong blog dito. In fact the other day may blog ka sa Senate minority. May isang beses ka bang humingi ng side namin?” dagdag pa ni Aquino.

Palusot ni Uson, blogger lang siya at hindi isang mamamahayag.

“With all due respect your honor, hindi po ako journalist… Blogger po ako. Hindi ako journalist,” ani Uson.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top