ABS-CBN sports reporter Dyan Castillejo, tinawag na 'your president' si Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

ABS-CBN sports reporter Dyan Castillejo, tinawag na ‘your president’ si Duterte

Stay Woke

ABS-CBN sports reporter Dyan Castillejo, tinawag na ‘your president’ si Duterte

#NotMyPresident

Naghihimutok ang mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte matapos tawagin ni ABS-CBN sports reporter Dyan Castillejo si Duterte kay Manny Pacquiao na “your president”.

“What a great performance, Manny. I’m sure you wanna address your fans all over the world and your President sitting way up there,” sabi ni Castillejo kay Pacquiao.

“Mga Pilipino, maraming-maraming salamat, lalo na sa ating mahal na Pangulo,” tugon ni Pacquiao.

Nagpintig ang mga tenga ng mga Duterte supporter matapos marinig ang “your president” mula kay Castillejo, na tila hindi daw ito Pilipino.

Kabilang rin sa mga nainis sa sinabi ni Castillejo ay ang laos na dating TV personality na si Jay Sonza.

Pinanood ni Duterte ang laban nila Pacquiao at Argentine boxer na si Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia. Napanalunan ni Pacquiao ang WBA welterweight belt matapos i-TKO si Matthysse sa Round 7.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top