AFP general, hindi susuportahan ang planong military junta ni Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

AFP general, hindi susuportahan ang planong military junta ni Duterte

Duterte's Dilemma

AFP general, hindi susuportahan ang planong military junta ni Duterte

Hindi susundin ng isang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung sakaling hihingan siya ng suporta ng Commander-in-Chief para magtayo ng isang military junta.

Ito ang tugon ni Lt. Gen. Arnel dela Vega nang tanungin ito ni Senator Panfilo Lacson sa kasagsagan ng confirmation hearing nito sa Senado.

“My question is purely hypothetical. You are summoned by the Commander-in-Chief, one-on-one, no other officer of the AFP (Armed Forces of the  Philippines) is present,  you’re asked to support a military junta, how would you react?” tanong ni Lacson.

“I would deny the instruction, Sir, as it’s against the laws of the land, Your Honor,” sagot ni Dela Vega.

Ang tugon ni Dela Vega ay nagbigay naman ng pag-asa kay Senator Risa Hontiveros.

“Your response this morning gives me that much more hope kahit sa kaguluhan na maya’t-mayang kinalalagyan natin, that the AFP will help  stay the course for democratic and civilian led government so maraming salamat po sa sagot ninyo,” ani Hontiveros.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Dela Vega ang Western Mindanao command ng AFP.

Military junta

Para kay President Rodrigo Duterte, mas nanaisin pa niya na magkaroon ng military junta imbes na si Vice President Leni Robredo ang pumalit sa kanya sakaling bumaba ito sa pwesto.

Ayaw ni Duterte na sundin ang isinasaad ng 1987 Constitution kaugnay sa succession.

“The problem is, I cannot suggest to them that you follow the succession which is really (in) the Constitution… I am hesitant to suggest a constitutional succession,” ani Duterte.

“I would suggest to the military, grant a junta… line up here, I’ll put you in your proper place,” dagdag pa ni Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top