Atty. Mel Sta. Maria kay Duterte: Korte lang ang pwede mag-utos ng aresto, hindi kayo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Atty. Mel Sta. Maria kay Duterte: Korte lang ang pwede mag-utos ng aresto, hindi kayo

Duterte's Dilemma

Atty. Mel Sta. Maria kay Duterte: Korte lang ang pwede mag-utos ng aresto, hindi kayo

Basta! He’s a lawyer! — Dutertrolls

Tila sinampal ng katotohanan si President Rodrigo Duterte matapos paalalahanan siya ni FEU Institute of Law Dean Atty. Mel Sta. Maria na tanging mga korte lamang ang may kapangyarihang maglabas ng arrest warrant.

Kasunod ito ng banta ni Duterte sa mga opisyal ng Office of the Ombudsman na ipaaaresto niya ang mga ito sa mga pulis at sundalo kung hindi makikipagtulungan sa pinaplano niyang komisyon na mag-iimbestiga sa nasabing ahensiya.

“I will create a commission… I will apply for a summons sa Court. Pag hindi ninyo ‘yan na-implement, I will arrest you,” ani Duterte.

“Pag hindi ka sumipot doon sa commission na ‘yun, if I do not have the subpoena powers, then I will apply for a subpoena powers from the courts… I will order the police and the military to arrest you. ‘Yan lang ang paraan eh,” dagdag pa ni Duterte.

Matatandaang kinumpirma ng Office of the Ombudsman na iniimbestigahan na nila ang umano’y tagong yaman ng First Family, kabilang na ang mga secret bank accounts at transaction history ni Duterte.

‘Hindi ikaw ang Korte’

Pinaalalahanan naman ni Atty. Sta. Maria si Duterte, sa pamamagitan ng kanyang Facebook post na tanging mga korte lang ang kaya magpa-aresto.

Iginiit rin ni Sta. Maria na masama sa isang lider na nagpapaalala sa mga mamamayan na sumunod sa batas kung siya mismo ang hindi sumusunod dito.

Basahin ang buong post ni Sta. Maria:

Sir, paalala lang po. Ang korte lamang po ang nakakapag-order ng arrest via a warrant of arrest. Hindi po kayo. Tinanggal na po sa konstitution ang kapangyarihan ng Presidente o executive department na mag-issue ng warrant. Natuto na po ang bayan sa ginawa ni Marcos nung period ng diktadurya na kung saan ang daming ASSO (Arrest Search Seizure Order) ang na-issue ng executive department at madaming nadakip na nawala at namatay.

Hindi rin po matuturing citizen arrest iyan. Ang hindi po pagdalo sa gagawin ninyong commission ay hindi naman krimen. Wala pong krimen kung walang batas na nagsasabing krimen ang isang kilos. Basic po iyon, di ba? At hwag rin pong mag-iimbento ng batas. Masama rin po iyon. Lalong-lalo na po, hinding-hindi nyo dapat ipagpalagay na kayo ang batas, kasi hindi naman kayo hari. Ang pag-aresto po na walang basehan sa batas ay illegal arrest sa ilalim ng Revised Penal Code. Kahit po presidente ay hindi above the law.

Malinaw naman po ang Konstitution. Let us abide, sir ,by the RULE OF LAW. Masmabuti na po na bilang presidente, kayo ang example ng leader na sumusunod sa batas. Let us follow sir.

Masama kasi na nangtatakot ang isang lider sa mga mamamayan para sumunod sila sa batas, pero siya mismong lider ay hindi naman sumusunod sa batas at gumagawa pa ng krimen. Ang tawag po sa mga lider na iyan “despot”.

Paalala lang po sir. Thank you.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top