Bianca Gonzalez sinagot si Aguirre: Killing of anyone is a big deal, buhay ng tao 'yun | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Bianca Gonzalez sinagot si Aguirre: Killing of anyone is a big deal, buhay ng tao ‘yun

'Di Best, 'Di Brightest

Bianca Gonzalez sinagot si Aguirre: Killing of anyone is a big deal, buhay ng tao ‘yun

Pinasaringan ng artistang si Bianca Gonzalez si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II matapos sabihin nito na “blown out of proportion” ang pagpatay ng mga pulis kay Kian Loyd de los Santos.

Sa kanyang Twitter account, tinanong ni Gonzalez si Aguirre kung hindi ba malaking bagay sa kanya kung mangyari ang insidenteng katulad kay de los Santos sa kanyang mga kamag-anak.

“”Akala mo napakalaki” is not something anyone should say about someone KILLED. Eh kung anak, magulang, kapatid mo yun? Hindi malaking bagay?” ayon kay Gonzalez.

Iginiit naman ni Gonzalez na ang pagpatay sa kanino man ay malaking bagay dahil buhay ng tao ang pinag-uusapan.

“The killing of anyone is a big deal. Kasi buhay ng tao yun,” ani Gonzalez.

‘Blown out of proportion’

Ayon kay Aguirre, ginamit lamang ng media at mga kritiko ni President Rodrigo Duterte ang insidente para hanapan ang butas ang Pangulo kung kaya lumaki ang isyu.

“Blown out of proportion in the media kaya akala mo napakalaki na,” ani Aguirre.

Nakuha pang pasaringan ni Aguirre ang mga nakikisimpatiya sa mga naulila ni de los Santos.

“Anong ginagawa ng mga taong iyan na naki-simpatiya kunwari kay Kian? Anong ginawa nila nung pinatay ang pamilya sa Bulacan? May dumalaw ba sa inyo dun? Wala, sapagkat iisa din lamang ang nakikita niyo e,” ani Aguirre.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top