Bogo Police Chief Allatog: I know what’s right, and it’s not right to kill somebody | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Bogo Police Chief Allatog: I know what’s right, and it’s not right to kill somebody

Stay Woke

Bogo Police Chief Allatog: I know what’s right, and it’s not right to kill somebody

Sa kabila ng mga pahayag nila President Rodrigo Duterte at PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na nararapat lamang patayin ang mga kriminal at drug personalities, may isang pulis na tumitindig sa utos ng Diyos na “huwag kang papatay”.

Sa lungsod ng Bogo sa Cebu, naninilbihan si Byron Allatog, 39 taong gulang, bilang Chief of Police.

Si Allatog ay graduate ng Philippine National Police Academy at nakapag-aral rin sa FBI Academy sa United States.

Noong 2014, pinarangalan si Allatog bilang isa sa mga most outstanding officers sa bansa.

Bloodless

Ayon sa Bogo City local government, walang napatay o tumumbang drug personality sa pamumuno ni Allatog.

“Don’t kill,” ito ang utos ni Allatog sa kanyang mga kabarong pulis.

Sa kabila nito, dismayado si Allatog sa tila kawalan ng accountability ng mga pulis.

Iginiit ni Allatog na hindi tungkol sa pulitika, kundi sa prinsipyo ang pagpupulis.

“I’m not saying anything against the president. I’m just trying to do the right thing,” ani Allatog.

Pangako ni Duterte

Sa kabila ng pangako ni Duterte na susuportahan niya at ipa-pardon pa ang mga kinasuhang pulis dahil sa pagbaril sa mga suspek, at ang umano’y limpak-limpak na pabuya para makapatay, may mensahe tungkol dito si Allatog para sa mga pulis na nasa poder niya.

“Those are politicians. They don’t give a s— about you… You are just a low-level officer. If you go to prison, that doesn’t affect the economy. They will not care,” ani Allatog.

‘Huwag kang Papatay’

Aminado si Allatog na kahit Katoliko siya, hindi siya palaging nakakapagsimba. Subalit iginiit nito na alam niya ang nararapat at hindi tama ang pumatay.

“I’m not active in church, but I know what’s right, and it’s not right to kill somebody,” ani Allatog.

“It’s within the Ten Commandments that I’ve been memorizing since grade one,” dagdag pa ni Allatog.

‘Neutralize’

Kung ang ibig sabihin ng neutralize para kay Dela Rosa ay barilin at patayin ang suspek, iba naman ang pinaniniwalaan ni Allatog.

“When we ‘neutralize’ suspects — the thing is, they are alive. They are in jail. The others don’t know how to use Google to find the meaning?” ani Allatog.

 

Unang inilathala sa Washington Post ang artikulo tungkol kay Allatog. 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top