Dating Duterte Supporter: Mr. President, magising ka na sa kahibangan mo; wala nang 16M! | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Dating Duterte Supporter: Mr. President, magising ka na sa kahibangan mo; wala nang 16M!

Stay Woke

Dating Duterte Supporter: Mr. President, magising ka na sa kahibangan mo; wala nang 16M!

Isang taon na ang nakalipas nang kumalas si Magnolia Salcedo Zoleta sa pagsuporta kay President Rodrigo Duterte, pero nais niyang iparating sa mga taong sumusuporta pa rin sa Pangulo na hindi pa huli ang lahat upang magbago at magising sa katotohanan.

“I posted this last year and I hope some blind followers might chance upon it and will have a change of heart,” ani Zoleta sa kanyang throwback Facebook post.

“I and the others like me, wanted change for our motherland but all we got were broken promises, a failing economy, a ruined country and 20K+ fellowmen killed. It’s not yet too late to change. Let’s fight this evil government and take back our country from the claws of the devil psychopath,” dagdag pa ni Zoleta.

Sa post ni Zoleta ay iginiit nito na wala na ang mahigit 16 milyong Pilipino na bumoto kay Duterte noong Halalan 2016, marahil ang pinakamalakas na ebidensya ay ang kanyang pagtiwalag ng suporta sa Pangulo.

“Wala na ang 16M na nabulag ninyo ng mga fake news and black propaganda nyo. Kung may natitira pa, kokonti na lang sila. Yung iba, natokhang pa,” ani Zoleta.

Hindi itinago ni Zoleta ang kanyang pagsuporta at pagboto noon kay Duterte.

“Isa ako’ng exDutertard. Isa ako sa mga nagpaloko sa ‘Change is coming’ na yan. Sa pag-aakalang mapapabuti ang bansa at sa hangaring mapaganda ang sitwasyon ng mga pilipino, ibinoto kita,” ani Zoleta.

Inamin ni Zoleta ang nagkamali siya ng pagboto kay Duterte at nagsisisi na siya.

“Bayan ko, oo, I’m an ex-Dutertard. At sising-sisi ako sa ginawa kong pagboto sa isang demonyo. Ako, sampu ng mga gising na ay aminado naman po na kami ay nagkamali sa ibinoto namin,” ani Zoleta.

Basahin ang buong Facebook post ni Zoleta:

WALA NG 16M

Mr. PWEsident! Magising ka na sana sa kahibangan mo. Wala na ang 16M na nabulag ninyo ng mga fake news and black propaganda nyo. Kung may natitira pa, kokonti na lang sila. Yung iba, natokhang pa. Yang mga nagtatanggol sa’yo sa social media, kung hindi mga bayarang trolls, may mga saltik na sa ulo dahil sa patayang nangyayari ngayon, baliw na lang na katulad mo ang patuloy na susuporta sa’yo.

Isa ako’ng exDutertard. Isa ako sa mga nagpaloko sa ‘Change is coming’ na yan. Sa pag-aakalang mapapabuti ang bansa at sa hangaring mapaganda ang sitwasyon ng mga pilipino, ibinoto kita. Pinuno ko ng mga election campaign mo ang wall ko nung kasagsagan ng eleksyon. Puros puri at pag-angat sa’yo ang ginawa ko. Nagbunyi ako nung nanalo ka. Pero ilang buwan pa lang na puro dugo na ang nakikita sa lansangan, puro ‘nanlaban daw’ na pinapatay ng mga kapulisan, binitawan na kita. Sa pagdaan ng araw, nakakaliskisan ka na. Nakita ng mundo ang kasinungalingan mo. Magjetsi ka kamo sa disputed island para ipamukha sa mga tsino na hindi ka pasisindak sa kanila, pero nangyari ba? Bagkus, himudpwet ka pa sa kanila. Pinangako mong aalisin ang kurapsyon, pero nangunguna ka pala. Hindi mo kayang pirmahan ang waiver dahil alam mong totoo ang sinasabi ni Sen Trillanes. Totoo rin ang tattoo sa likod ng anak mong sinungaling at mamamatay-taong katulad mo. Mga perang nakukurakot mo kapag umuutang ka sa poon mong Tsina. Yung mga nagfinance sa eleksyon mo ay aligaga kang makakuha ng business sa mga kinakausap mong bansa. At yun ding mga walang karapatan na magtrabaho sa gobyerno, binigyan mo ng pwesto dahil lang sa utang na loob mo sa kanila. Ikaw ang may utang sa kanila hindi ang mga pilipinong nagbabayad ng buwis para ipasuweldo sa mga ipinasok mong mga walang kasing bobobo. Pinangako mong mga druglords ang lilipulin at itatapon sa Manila Bay yun pala, mga mahihirap nating mga kababayan ang ipapatumba mo. Bago mag-eleksyon, kinlaro mo yan sa tao na irerehab ang mga addict pero ano’ng ginawa mo sa kanila? Pinapatay mo at tuwang-tuwa ka pa, demonyo ka! Ang ekonomiya, bagsak na bagsak na. Mga investors nagtatakbuhan na. Puro utang ka pa. Yung utang ng mga marcos na sinimulang bayaran nung bata pa ako, hanggang ngayon na mag-aasawa na lang ang mga anak ko, hindi pa tapos bayaran tapos nilubog mo na naman ang bansa sa utang, hayup ka! At ipinalibing mo pa sa hindi niya dapat kalagyan. Ang mga tumutuligsa sa’yo na nagtatanggol sa karapatang pantao ng bawat pilipino, gusto mong mawala sa landas mo. Pilit mong sinisiraan na kahit kasinungalingan ipagpipilitan mo! Hindi ito ang gusto ko sa bayan ko. Kaya yang sinasabi mong hindi ka naniniwala sa survey at sapat na ang 16M sa’yo, aba’y gumising ka na! Wala na ang mga bumoto sa’yo! Nagising na! Kaya dapat out ka na rin!!!

Bayan ko, oo, I’m an ex-Dutertard. At sising-sisi ako sa ginawa kong pagboto sa isang demonyo. Ako, sampu ng mga gising na ay aminado naman po na kami ay nagkamali sa ibinoto namin. Nasilaw kami sa pangakong pagbabago sa bayan nating mahal. Alam namin na nagkamali nga kami, sana makuha nyo kaming patawarin. Sorry po talaga, hindi namin ginalingan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top