Dingdong Dantes kay Gatchalian: Ibang usapan kapag public official ang humalik | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Dingdong Dantes kay Gatchalian: Ibang usapan kapag public official ang humalik

Stay Woke

Dingdong Dantes kay Gatchalian: Ibang usapan kapag public official ang humalik

May reaksyon ang artistang si Dingdong Dantes sa naging pahayag ni Senator Win Gatchalian kung saan inihambing ng senador ang paghalik ni President Rodrigo Duterte sa babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) sa kissing scene ng mga aktor na kasal na.

Ayon kay Dantes, ginagampanan lang nilang mga artista ang kanilang karakter at hindi ito nangangahulugang susundin na nila ang lahat ng sasabihin ng direktor.

“Kaming mga artista ay gumaganap ng isang karakter. Minsan nga puwede kaming umayaw kung di namin trip dahil kani-kaniyang values at interpretation yan. Di porket sinabi ng direktor at script na talon ay tatalon ka na,” ani Dantes.

Ayon pa kay Dantes, ibang usapan kapag public official na ang gumawa at iginiit na hindi tama na paghambingin sila sa mga katulad niyang artista.

“As actors, we are accountable to our viewers, our producers and the manner of delivering the story. Aba’y ibang usapan yan kapag public official ka. Kaya’t huwag dapat ihambing gamit ang ganiyang argumento,” ani Dantes.

‘Parang kissing scene ng mga married actor’

Ikinumpara ni Gatchalian sa ginagawang kissing scene ng mga married actor ang paghalik ni Duterte sa babaeng OFW sa South Korea.

“Ako I would like to compare this sa mga artista dahil may mga artista na may asawa but they also have kissing scenes in their movies, in their TV shows,” ani Gatchalian.

Ayon pa kay Gatchalian, kung ginawa man ito sa paraang propesyunal, wala itong problema.

“So I think as long as it’s kept professional and there’s an understanding within the partners then siguro pwede nilang gawin ‘yun,” ani Gatchalian.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top