Ethel Booba: Dapat bago makagawa ng Facebook account may exam about fake news | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ethel Booba: Dapat bago makagawa ng Facebook account may exam about fake news

Stay Woke

Ethel Booba: Dapat bago makagawa ng Facebook account may exam about fake news

Queen B has spoken.

May suhestiyon ang comedian na si Ethyl Gabison na mas kilala bilang si Ethel Booba tungkol sa paggawa ng Facebook account.

Ayon kay Ethel, dapat sumailalim ang mga gustong gumawa ng FB account sa isang identification test kung saan aalamin nila kung fake o totoo ang isang news item.

“Dapat bago makapagcreate ng @facebook account may exam. Papakitaan sila ng news then identify kung fake or legit. Kapag bumagsak di pwede create account. Charot!” ani Ethel.

Banat kay Mocha

May pahaging rin ang comedian-turned-author sa ginawang Facebook poll ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Maaalalang binastardo ni Uson sa pamamagitan ng online poll ang 1986 EDSA People Power Revolution, na umano’y produkto ng fake news.

Tinanong ni Ethel ang mga netizens sa Twitter kung sang-ayon silang produkto ng fake news ang ginawang survey ni Uson.

“Naniniwala ba kayo na ang survey na ginawa para sa 1986 EDSA PEOPLE POWER ay isang produkto ng FAKE NEWS?” tanong ni Ethel.

Mayorya ng mga respondents sa Twitter poll ni Ethel ang naniniwalang produkto ng fake news ang ginawang FB poll ni Uson kaugnay sa EDSA People Power.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top