GMA-7 reporter Ivan Mayrina: Porke hindi pabor sa isang tao o kampo ay nagiging fake news na ito | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

GMA-7 reporter Ivan Mayrina: Porke hindi pabor sa isang tao o kampo ay nagiging fake news na ito

Stay Woke

GMA-7 reporter Ivan Mayrina: Porke hindi pabor sa isang tao o kampo ay nagiging fake news na ito

Iginiit ni GMA-7 reporter Ivan Mayrina na accountable ang mga mainstream journalists kung sila’y nagkakamali.

Idinetalye ni Mayrina sa kanyang Facebook post ang kanilang pinagdadaanan nila sa paggawa ng balita.

Ayon pa kay Mayrina, puhunan nila sa industriya ang kredibilidad at inaamin nila ang kanilang pagkakamali at sa huli’y itinatama nila ito.

Binatikos rin ni Mayrina ang mga taong itinuturing na fake news ang balita kung hindi ito pabor sa paniniwala nila at sa taong kinakampihan nila.

Ang mensahe ni Mayrina ay patungkol sa pag-akusa ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa GMA News ng pagkakalat umano ng fake news.

Ito ay nag-ugat sa pagpasok nila ni President Rodrigo Duterte sa isang mosque sa Marawi City.

Basahin ang buong pahayag ni Mayrina:

Sa bawat istoryang napapanood ninyo, pawis at minsan dugo ang binubuhos namin. Bago umere ang isang 2-minute TV report, ilang editorial layers ang dadaanan. Ilang beses kaming tatanungin, ilang beses na hihimayin ang mga detalye. Minsan nga dadaan pa sa abogado bago ma-clear for airing.

Kaya naman kapag sumablay kami sa truthfulness, accuracy, fairness at balance—mga time-honored principles sa journalism–pananabon at (in serious cases) parusa ang katapat.

Kredibilidad ang puhunan namin sa industriyang ito. Pero nagkakamali rin kami at—mas mahalaga—umaamin, at itinatama ang pagkakamali kung meron man. Tinitindigan naming mga “mainstream journalists” ang accountability. That much, we owe our audience.

Pero dahil lang hindi naging pabor sa isang tao o kampo ang balita ay nagiging fake na ito. Hindi dahil ayaw niyong marinig ang ibinalita namin ay hindi na ito totoo.

I am a mainstream journalist. And I take exception to the statement that we are purveyors of fake news.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top