Heidi Mendoza: Ang papel ng COA ay ituwid, maiayos ang paggamit ng pera ng bayan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Heidi Mendoza: Ang papel ng COA ay ituwid, maiayos ang paggamit ng pera ng bayan

Duterte's Dilemma

Heidi Mendoza: Ang papel ng COA ay ituwid, maiayos ang paggamit ng pera ng bayan

Nagbigay ng reaksyon si dating Commission on Audit Commissioner at Undersecretary General ng United Nations Office of Internal Oversight na si Heidi Mendoza sa bagong banat ni President Rodrigo Duterte laban sa COA.

Inihambing ni Mendoza ang pago-audit sa isang kontrabida sa pelikula.

“Ang pag-aawdit ay parang artistang kontra bida sa pelikula. Kung maraming nagagalit sa iyo ibig sabihin ay epektibo at makatotohanan ang iyong pag ganap,” ani Mendoza.

Iginiit ni Mendoza na hindi ninais ng mga katulad niyang auditor na panghimasukan o pagkakitaan ang pagsiyasat sa mga transaksyon sa gobyerno.

“Kailan man ay hindi namin gustong manghimasok, magpabagal ng takbo ng transaksyon at lalong hindi upang makagawa ng oportunidad upang kumita,” ani Mendoza.

“Ang aming papel ay magbigay ng pagkakataon na maituwid, mapaganda, maiayos ang takbo ng paggamit ng pera ng bayan sa paraang may pananagutan at bukas sa pagpuna ng bawat mamamayan o lahat ng may pakialam,” dagdag pa ni Mendoza.

Sa biro idinaan ni Duterte ang kanyang patama laban sa COA.

“Ah putangina ‘yang COA na ‘yan. Letse kasi yung COA, everytime may mali talaga. Ano ba naman itong COA na ito? Kung magkidnap tayo ng taga-COA, lagay natin, i-torture natin dito, ‘tangina,” ani Duterte.

Bintang ni Duterte sa ahensya, pinapahirapan umano nila ang gobyerno dahil sa auditing nito.

“Sino ba gusto makulong nang ano? Pero yung ano, pahirapan, ‘yan ang ayaw ko, yang pahirapan,” ani Duterte.

Basahin ang pahayag ni Mendoza:

Ang pag-aawdit ay parang artistang kontra bida sa pelikula. Kung maraming nagagalit sa iyo ibig sabihin ay epektibo at makatotohanan ang iyong pag ganap. Yun lang sa totoong buhay, kadalasan ay kinakagalitan ang kontra bida dahil sa mali, masama at hindi katanggap tanggap nyang ginagawa. Malinaw naman siguro ang papel na ginagampanan ng mga awditor. Kailan man ay hindi namin gustong manghimasok, magpabagal ng takbo ng transaksyon at lalong hindi upang makagawa ng oportunidad upang kumita. Ang aming papel ay magbigay ng pagkakataon na maituwid, mapaganda, maiayos ang takbo ng paggamit ng pera ng bayan sa paraang may pananagutan at bukas sa pagpuna ng bawat mamamayan o lahat ng may pakialam. Kung ito ang paniniwala ninyo, gusto kong makita ito sa inyong wall, pwede rin namang i unfriend nyo na ako. Walang pagtatampo sa kahit kanino. “Hanggangmahulogsahagdanan”

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top