Journalist at UST alumnus may mensahe kay Mocha: Nabulag ka na ng pera at posisyon | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Journalist at UST alumnus may mensahe kay Mocha: Nabulag ka na ng pera at posisyon

Stay Woke

Journalist at UST alumnus may mensahe kay Mocha: Nabulag ka na ng pera at posisyon

May mensahe ang isang mamamahayag kay PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ukol sa mga paratang nito laban sa media.

Inilahad ni Justine Dizon, kapwa-Tomasino ni Uson, sa kanyang Facebook post ang mga pinagdaanan niya sa mundo ng pamamahayag.

“Naranasan kong magsulat sa dyaryo at mabayaran ng 30 pesos per column inch. Hindi lang basta “sulat” yun. Pupunta ako sa coverage na minsan ay walang sasakyan, mag-iinterview, magre-research ng datos at kukuha ng litrato para magamit sa article ko. Swerte nako kapag umabot ng 300 pesos ang bayad para sa isang istorya,” ayon kay Dizon.

Ayon pa kay Dizon, ito ang rason kung bakit nasasaktan siya sa mga paratang ni Uson laban sa media.

“Ito ang ilan sa maraming dahilan kung bakit naiinis at nasasaktan ako kapag tinatawag mong “presstitutes” ang mga nasa media. Nakakagalit¬†sa tuwing sasabihin mong biased kami dahil hindi pabor sa iyong pangulo ang naisulat na balita,” ani Dizon.

Dagdag pa ni Dizon, hindi maitatanggi na may mga journalists na nagpapabayad, subalit iginiit niya na huwag naman sila lahatin.

Idiniin rin ni Dizon kung bakit naging mahalaga ang media sa pagkapangulo ni President Rodrigo Duterte.

“Oo, marahil may mga nagpapabayad na reporter o manunulat, pero hindi ang buong propesyon. At yung mga tinatawag mong biased at presstitutes, sila yung nagpakilala sa Tatay Digong mo sa maraming Pilipino. Hindi matapos-tapos ang coverage sa kanya noong urong-sulong siya sa kandidatura hanggang sa kampanya,” ani Dizon.

“Naaalala mo pa kaya yun? Malamang hindi kasi nabulag ka na ng pera at posisyon at ng paniniwalang hindi nagkakamali ang iyong pangulo,” dagdag ni Dizon.

Binatikos rin ni Dizon ang mahigit P100,000 sweldong nakukuha ni Uson sa kabila ng mali-maling mga impormasyon na inilalahad nito.

“Nga pala, nakakainis din yung sumesweldo ka ng 106,000 pesos galing sa buwis namin pero hindi mo man lang magawang mag-research at mag-fact check. Higit sa lahat, nakakagalit yung pagbaboy mo sa propesyong alam naman nating naging mahalaga sa kasaysayan hindi lang ng Pilipinas kundi pati buong mundo,” ani Dizon.

Nagbahagi pa si Dizon ng litrato kung saan tinuturuan niya ang mga batang nangangarap na pumasok sa industriya ng pamamahayag balang araw.

Justine Dizon: “Teaching Journalism in a world of Mocha Usons”

“Ang mga batang kasama ko sa litrato ay nangangarap na maging mamamahayag, journo at broadcaster. Huwag sana silang matulad sayo,” ani Dizon.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top