Kevin Mandrilla sa Duterte supporters: PH deserves better than this shameless fanaticism | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Kevin Mandrilla sa Duterte supporters: PH deserves better than this shameless fanaticism

Dutertrolls

Kevin Mandrilla sa Duterte supporters: PH deserves better than this shameless fanaticism

Idiniin ni senior analyst at UP Graduate School student Kevin Mandrilla ang problema sa mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Mandrilla, sa kabila ng pagiging backward at impulsive ni Duterte ay mayroon pa ring sumusuporta dito.

“He is backward, loud and impulsive yet they act as if he’s an all knowing and infallible demigod. Requirement ba sa Ka-DDS na nakapikit at bibig lang ang ginagamit?” ani Mandrilla.

Tinalakay rin ni Mandrilla ang deklarasyon ni Duterte na i-withdraw ang Pilipinas sa Rome Statute na bumubuo sa International Criminal Court.

“May panimulang imbestigasyon ngayon sa kanya. Tapos biglang magsasabi siya na aalis na lang tayo sa ICC immediately. Ano ‘yan sports club lang? Kung wala talaga silang tinatago, hahayaan nila na umusad ang imbetigasyon nang maayos. Sa ginawang ‘yan ni Duterte, nagmumukha lang siyang guilty. Tapos magtataka kayo kung bakit ang negative ng tingin sa gobierno ng international community,” ani Mandrilla.

Dahil dito, ayon kay Mandrilla ay pag-iinitan na naman ng Duterte supporters ang Liberal Party at mainstream media.

“Katulad ng kapalpakan ni Aguirre, wala kayong ibang puedeng sisihin dyan kung hindi ang gobierno din mismo. Marami sa inyo mainit nanaman ang mata sa LP at mga media networks. Pwede ba, masyado kayong nawiwili sa pagbalin ng sisi sa iba. Hindi pagmamahal sa bayan ang tawag dyan kung hindi panatisismo. It’s not worth it,” ani Mandrilla.

“Our country deserves better than this shameless fanaticism,” dagdag pa ni Mandrilla.

Basahin ang kanyang Facebook post:

What’s crazy about those who support the president is that they will blame anything and anybody but the man himself. He is backward, loud and impulsive yet they act as if he’s an all knowing and infallible demigod. Requirement ba sa Ka-DDS na nakapikit at bibig lang ang ginagamit?

The latest result of the president’s brazenness is his unilateral move for us to quit the International Criminal Court by withdrawing from the Rome Statute. Here’s why it’s stupid:

1. May panimulang imbestigasyon ngayon sa kanya. Tapos biglang magsasabi siya na aalis na lang tayo sa ICC immediately. Ano ‘yan sports club lang? Kung wala talaga silang tinatago, hahayaan nila na umusad ang imbetigasyon nang maayos. Sa ginawang ‘yan ni Duterte, nagmumukha lang siyang guilty. Tapos magtataka kayo kung bakit ang negative ng tingin sa gobierno ng international community.

2. Sabi ni Duterte mahilig lang daw talaga siya mag-joke. Malaking joke din siguro itong best and brightest ang kukunin niya sa gobierno. Wala bang nakaisip na makapagpadala man sila ng statement sa ICC, kakailanganin muna nila ang lagda ng Senado para maging binding ang request natin? At makuha man nila agad ito, isang taon pa bago tuluyang ma-trigger ang option to leave. Kaya nakakapagtaka na may nalalaman pa silang immediately.

Katulad ng kapalpakan ni Aguirre, wala kayong ibang puedeng sisihin dyan kung hindi ang gobierno din mismo. Marami sa inyo mainit nanaman ang mata sa LP at mga media networks. Pwede ba, masyado kayong nawiwili sa pagbalin ng sisi sa iba. Hindi pagmamahal sa bayan ang tawag dyan kung hindi panatisismo. It’s not worth it. Ganyang bang paguugali ang gusto niyong ipasa sa mga anak ninyo, manisi ng iba at kunsintihin ang malinaw naman na mali?

At isa pang pwede ba… yung mga tuwang-tuwa sa statement ng China tungkol sa pagtanggol nila kay Duterte at soberenya kuno natin, nasaan ang ingay niyo nung ginawang construction playground ang mga isla natin sa West Philippine sea? Hindi ba kayo nasusuka sa sobrang cognitive dissonance na ‘yan. Nahihilo ako para sa inyo.

Uulitin ko, it’s not worth it. Our country deserves better than this shameless fanaticism.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top