Kris Aquino kay Mocha Uson: Hindi ako pinalaki para sumuko, mambastos | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Kris Aquino kay Mocha Uson: Hindi ako pinalaki para sumuko, mambastos

Duterte's Dilemma

Kris Aquino kay Mocha Uson: Hindi ako pinalaki para sumuko, mambastos

Kaagad na naglabas ng pahayag si Queen of All Media, Kris Aquino, matapos magmatigas si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon kay Aquino, tungkol pa rin sa kanya ang isyu sa kabila ng sinabi ni Uson na hindi ito tungkol sa kanya.

“Yung sinasabihan mo ko na it’s not about me, I’m sorry, but when it is about my mother, it will always be about me,” ani Aquino.

Ayon pa kay Aquino, gumawa siya ng paraan para magkaayos silang dalawa.

“I did my share. I tried to reach out,” ani Aquino.

“Kahit anong kabutihan ang ipakita ko sa inyo, ayaw niyong ayusin e,” dagdag pa ni Aquino.

Nanalo umano si Uson sa laban nilang dalawa, ayon kay Aquino sapagkat nagawa nito na saktan siya at sirain ang alaala ng kanyang magulang.

“Mocha you win because you hurt me. And I think that’s what you wanted to do. Nanalo ka dahil patuloy mong inapak-apakan ang pagkatao, ang alala ng dalawang tao na pinakamamahal ko. Yung sinabi kong di kita uurungan, nagdasal ako. At narealize ko, bakit pa?” ani Aquino.

Dahil sa away nila ni Uson, ipinagdarasal ngayon ni Aquino kung ano ang maaari niyang gawin sa kanyang boses na marami ngayong nakikinig dito.

“I will pray about what is best for me to do. Pero baka mas maganda na hindi na ako humingi ng posisyon, hindi ako maging elected official para patuloy niyo akong pakinggan,” ani Aquino.

“Kasi pag naging parte ako ng Senado, naging kagaya lang ako nila. Ngayon, pantay-pantay tayong lahat,” dagdag pa ni Aquino.

Iginiit ni Aquino na hindi siya pinalaki para sumuko at lalong hindi rin siya pinalaki upang mambastos.

“Hindi ako pinalaki para sumuko kahit pagod na. Hindi ako pinalaki para mambastos,” ani Aquino.

“Ni-minsan wala kayong batikos na narinig. Hindi yan ang pagpapalaki sa akin. Mocha I’ll end this. You’re right. This is not about Kris Aquino, this is a reminder that Filipinos still love and respect Cory and Ninoy Aquino,” dagdag pa ni Aquino.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Duterte's Dilemma

To Top