Kris Aquino kay Mocha Uson: You crossed the line, hindi kita uurungan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Kris Aquino kay Mocha Uson: You crossed the line, hindi kita uurungan

Stay Woke

Kris Aquino kay Mocha Uson: You crossed the line, hindi kita uurungan

Pinasaringan ni Queen of All Media Kris Aquino si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa paghambing nito sa kontrobersyal na paghalik ni President Rodrigo Duterte sa isang babaeng OFW sa babaeng hinalikan noon si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ayon kay Aquino, ang ginawa ni Uson ay nagdulot ng flashbacks sa kanya noong pinatay ang kanyang ama.

“Nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan ng hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako ng tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago sya pinatay,” ani Aquino.

Sumobra na si Uson, ayon pa kay Aquino.

“Nangako akong hindi kita papatulan – but this time you crossed the line,” ani Aquino.

Iginiit naman ni Aquino na walang pinagtakpan at ginamit ang kanilang pamilya.

“Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko – yun siguro ang kaibahan namin – WALA KAMING PINAGTAKPAN. Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina – sinisikap kong ayusin ang buhay ko,” ani Aquino.

Nanawagan si Aquino na siya na lamang ang pagbuntungan dahil hindi niya ito uurungan.

“Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan,” ani Aquino.

Basahin ang buong Instagram post ni Kris:

Asec Mocha Uson – marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin… Mapapansin mo si Noy hindi parte ng video ko dahil BUHAY sya. Kaya nyang depensahan ang sarili nya. Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan ng hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako ng tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago sya pinatay. Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos. Nangako akong hindi kita papatulan – but this time you crossed the line. You reminded me of how much I hurt my mom nung buntis ako kay josh & na disown ako pero nung 1 month si kuya – naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga nya yung apo nya – sya na yung pinaka nagmahal sa anak kong may autism. Pinaalala mo na nung issue namin ni joey, nung umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko – yun siguro ang kaibahan namin – WALA KAMING PINAGTAKPAN. Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina – sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita nya: TAMA NA. SOBRA NA… Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top