Leila de Lima, kabilang muli sa listahan ng Global Thinkers ng Foreign Policy publication | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Leila de Lima, kabilang muli sa listahan ng Global Thinkers ng Foreign Policy publication

Stay Woke

Leila de Lima, kabilang muli sa listahan ng Global Thinkers ng Foreign Policy publication

May maiinggit na naman.

Sa ikalawang pagkakataon, kabilang muli sa listahan ng Global Thinkers ng US-based publication na Foreign Policy si Senator Leila de Lima.

Si De Lima ay kilala bilang vocal critic ni President Rodrigo Duterte, at kasalukuyang nakapiit dahil sa mga ‘trumped-up’ drug-related charges na inihain laban sa kanya ng administrasyon.

“For openly defying Philippine President Rodrigo Duterte — and paying the price,” ang pagsasalarawan ng FP kay De Lima.

Ayon kay Benjamin Soloway, ang FP Associate Editor, tumangging manahimik si De Lima sa kabila ng pagpupursigi ng pamahalaan na patahimikin siya at mga katulad niyang kritiko nito.

“But de Lima has refused to shut up. The government is trying to ‘totally silence dissent and cultivate a culture of double standard of justice, where those allied with the president and his family are accorded impunity,'” ani Soloway.

Sa 2016 Global Thinkers ng FP, kinilala si De Lima “for standing up to an extremist leader” at sa pagkondena ng mga kaso ng extrajudicial killings buhat ng kampanya kontra illegal na droga ni Duterte.

Kasama ni De Lima sa listahan ngayong taon sina French President Emmanuel Macron, US Democratic Senator Kamala Harris, South Korean President Moon Jae-in, at UK Labour Party leader Jeremy Corbyn.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Stay Woke

To Top