Netizen to Duterte supporters: Ilagay niyo sa tama ang galit niyo, wala kasing kwenta galit niyo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Netizen to Duterte supporters: Ilagay niyo sa tama ang galit niyo, wala kasing kwenta galit niyo

Dutertrolls

Netizen to Duterte supporters: Ilagay niyo sa tama ang galit niyo, wala kasing kwenta galit niyo

Pinasaringan ng isang netizen ang mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte dahil sa tindi ng galit ng mga ito kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Cristopher dela Cruz, tanging pagiging oposisyon ni Trillanes kay Duterte ang kanilang rason kung bakit galit ang mga ito sa senador.

“Tanungin mo mga ka-DDS kung bakit sila galit kay Trillanes at wala silang ibang sagot kundi dahil tinutuligsa nito si Duterte,” ani Dela Cruz.

Iginiit ni Dela Cruz na tama lang magalit kay Trillanes kung katulad lang ito ng mga mandarambong at kung walang pakialam sa pagpasok ng shabu sa bansa at pagtaas ng inflation.

Hinimok naman ni Dela Cruz ang Duterte supporters na ilagay sa tama ang kanilang galit dahil sa kababawan ng kanilang ipinaglalaban.

“Ilagay niyo sa tama ang galit niyo, mga ka-DDS. Wala kasing kwenta ang galit niyo. Sobrang babaw ng pinaglalaban niyo,” ani Dela Cruz.

Basahin ang viral Facebook post ni Dela Cruz:

Tanungin mo mga ka-DDS kung bakit sila galit kay Trillanes at wala silang ibang sagot kundi dahil tinutuligsa nito si Duterte.

Magalit kayo kay Trillanes kung tulad siya ng Tulfo siblings, Cesar Montano, at iba pang tulad nila na mandarambong.

Magalit kayo kay Trillanes kung wala siyang pakialam at sabihin niyang speculations lamang ang toneladang shabu na pumasok sa Pilipinas.

Magalit kayo kay Trillanes kung sarili niyang kumpanya ang isinasali niya sa government projects tulad ng SolGen.

Magalit kayo kay Trillanes kung wala siyang ginagawa sa Senado tulad ni Pacquiao.

Magalit kayo kay Trillanes kung wala siyang pake sa pagtaas ng inflation rate at pagbulusok ng ekonomiya.

Ilagay niyo sa tama ang galit niyo, mga ka-DDS. 
Wala kasing kwenta ang galit niyo. Sobrang babaw ng pinaglalaban niyo.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top